May panukala si Senador Bong Go sakaling pumalag ang mga hahatingin na 2,000 ex-convict kapag inutos na ang pagdakip sa mga ito para maibalik sa Bilibid.
“ Para nga sa akin, ay dapat ibalik lahat nung mga na-release na hindi naman po qualified . Ibalik sila, hanapin sila at ikulong sila. Ayaw nilang sumurender, shoot to kill ,” sabi ni Go nang tanugnin ng mga reporter kahapon sa Senate hearing.
Samantala, handa na rin ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin sa pamamagitan ng warrantless arrest ang 2,000 convict na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para maibalik sa Bibilbid
Ito’y kung babawiin na ng Department of Justice (DOJ) at ikunsiderang invalid ang release order ng mga ito.
Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame kahapon, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na kung kakailanganin ay gagamitan nila ng `warrantless arrest’ ang mga convicted para maibalik sa mga kulungan.
Ayon naman kay DOJ Menardo Guevarra na ang Supreme Court na ang magdedesisyon kung nararapat ibalik o hindi sa piitan ang mag bilanggo na sangkot sa heinous crime bunsod ng mga katanungan sa legalidad ng GTCA.
Nasa 1,914 heinous crime convicts na ang napapalaya mula 2014 sa ilalim (GCTA) law, na syang naging kontrobersyal dahil sa pagsama sa listahan ng pangalan ni Antonio Sanchez, isang rapist at murderer sa posibleng magbenepisyo sa maagang pagpapalaya.
“These are very complicated issues and may require much deeper study. I would rather that a person with interest in a situation like this bring up the matter to the Supreme Court, who will have the final authority to make a ruling,” ayon kay Guevarra.
Sa Senate hearing kahapon, ipinunto ni Senate President pro-Temporte Ralph Recto na alinsunod sa RA 10592, na walang power si Faeldon na mag-isyu ng release order bagkus ay tagabilang lamang ng mga time allowance na kinatigan naman ni Guevarra.
At kung pagbabatayan aniya ng batas na ito, maaring pang hulihin ang mahigit 2,000 presong na naunang pinalaya nang dating administrasyon ng BuCor. (Dindo Matining/Lorraine Gamo/Prince Golez/Edwin Balasa)