SHOOTOUT SA ANTIPOLO

Laro ngayon: (Quezon Convention Center-Lucena City)
5:00 p. m. – Ginebra vs. Meralco

Natagpuan ng TNT KaTropa ang mapuwersang signal sa payoff period sa piglas sa third quarter 12 points down para masingitan pa ang Alaska 120-118 at hilerahan ang idle Mahindra sa liderato ng Oppo PBA Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo City kagabi.

Kayod-marino sa double-double jobs sina Jayson Castro – 26 points at 10 assists – at Ranidel de Ocampo – 17 points at 11 rebounds – sa gabing may malamyang 12 points lang si Mario Little para sa follow-up ng TNT sa mga alpas din sa Meralco 98-95 at Rain or Shine 101-98.

May 18 pa si Mo Tautuaa at 15 si Mike Madanly sa Texters, kumapit sa dulo para maligtasan ang paulan ng 3-pointers ni hotshot Dondon Hontiveros na nagpadikit sa Aces, nakabentahe sa 64-52 halos 10 minutes pa sa third.

Sa kabuuan, 13 of 27 ang TNT sa labas ng arc, samantalang 12 of 27 ang Alaska mula long range.

Sa first game, sinalpak nina JR Quiñahan at Jerico Cruz ang mga krusyal na basket sa endgame tapos maglaho ang 12-point lead at nakaiwas sa upset ang Rain or Shine kontra Blackwater, 98-92. Nakigulo ang Elasto Painters sa four-way tie sa third sa 2-1 win-loss record.

“There are no easy games anymore,” namutawi kay E-Painters coach Yeng Guiao na nabigyan ng 11 points ni Quiñahan at siyam mula kay Cruz sa likod ng 20 each nina Jeff Chan at Dior Lowhorn at 14 ni Paul Lee . “Just escaping an upset is already a big deal.”

Tutungga naman ng second straight win ang Ginebra samantalang babawi ang Meralco sa Petron Saturday Special ng hostilidad mamaya sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Nilango ng Ginebra ang NLEX 85-72 sa pagresbak sa 109-100 overtime loss sa Alaska habang nalagot ang back-to-back ‘W’ Meralco sa TNT KaTropa 98-95 makaraan ang malakas na 2-0 start.

“Getting the win before going into the All-Star break and generating some momentum would be huge for us,” ani Gin Kings coach Tim Cone. “But Meralco with their inside presence of (Allen) Durham is a real concern for us. Good news for us is, Justin (Browlee) is continuing to adjust to PBA conditions and that will help him out-of-town hare.”

”We must give a solid defense effort if we want to come out on top because Ginebra is a very good defensive team,” wika ni Bolts coach Norman Black.

Samantala, sinibak na ng Phoenix si Marcus Simmons matapos ang 0-3 start ng Fuel Masters. Pinalitan siya ni international campaigner Eugene Phelps sa pagsabak bukas ng kampo sa winless pa rin sa three games na GlobalPort.