Malaki ang potensyal ng Manila-Clark Railway Project ng DOTr kung magagarantiyahan talaga nito na magiging isang oras na lang ang biyahe end-to-end sa nasabing ruta.
Dahil sobrang trapik na sa Metro Manila, napapanahon nang maging active ang Clark airport bilang primary exit at entrance point sa Pilipinas, lalo na ng OFWs.
Tuwing rush hour kasi ay inaabot ng hanggang dalawang oras o higit pa ang biyahe papunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa maraming points ng Metro Manila.
Gridlock
Ilang flights na ba ang na-miss dahil sa traffic gridlock sa Metro?
Hindi na siguro mabibilang pa kung kaya viable alternative talaga ang Clark airport oras na maging operational ang Clark-Manila Railway Project.
This is one long-delayed project na finally ay maisasakatuparan na sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ economic thrust ng gobyerno.
Message of peace
Maraming kababayan natin sa Middle East ang marahil ay nakabakasyon kahapon sa pagtatapos ng Ramadan na isinelebra rin natin dito sa Pilipinas.
Sa harap ng kaguluhan sa Marawi City, maganda ang mensahe ni President Duterte na sa tulong ng paniniwala sa Diyos ay walang problema ang hindi natin puwede masolusyunan bilang isang bansa.
Bagama’t nabanggit ng Pangulo ang kanyang inspirational message sa okasyon ng Eid’l Fitr, it may be assumed na inter-faith ang thrust ng kanyang statement — para sa Muslim man o Kristiyano.
Come follow Me On Twitter @beeslist or call 833-0785 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and queries.