Okay kay trainer Freddie Roach na sagupain ni eight-time world boxing champion Sen. Manny Pacquiao si mixed martial artist Conor McGregor ng Ireland, pero giniit ng Hall of Famer na hindi sa disiplina na kilalang underground fighting kundi sa boxing.
Hinirit ng American na babasbasan niya si Pacquiao na kasahan si McGregor kung sa boxing lang at hindi sa delikadong mixed martial arts.
Sa bibihirang pagkakataon ay bumisita si Roach kahapon sa lingguhang Philippine Sportswriters Association Forum sa Golden Phoenix Hotel sa Pasay.
“If it is a boxing match, then I will definitely go for it,” deklarasyon ni Roach. “If it is to be governed by boxing rules, there’s no problem with that. They have to set the rules.”
Inihayag ni promoter Bob Arum na kundi lalagda si Floyd Mayweather sa alok na laban kontra sa MMA gladiator na si McGregor, walang pag-aalinlangan na sasaluhin ni Pacquiao ang bout.
Pumirma na si McGregor sa isang kontrata para labanan si Mayweather sa isang boxing match pero wala pang tugon ang kampo ng undefeated boxing champion.
Positibo rin si Roach na muling mapapalakas ni Pacquiao ang dating matinding kamao sa nalalapit na pakikipag-umbagan kay Jeff Horn ng Australia sa ‘The Battle of Brisbane’ sa July 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.
“I do want to see a knockout in the fight, if he (Manny) still does have the punching power.
He was once a dreaded knockout puncher but I want to see it back again. His punching power is getting better but I want him to show it to me again,” dagdag ni Roach ukol sa training ni Pacquiao.