Aminado ang ilang kongresista na kuwestiyunable ang ‘show of support’ ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin umano sa makapangyarihang partido na kumikilos kontra sa administrasyon ang nasa likod nito.
Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio hindi pa malalaman kung kakampi ng Duterte administration si Robredo sa kabila ng pagpapahayag nito ng suporta at pangakong ‘di nya susuportahan ang anumang impeachment proceedings laban kay Pangulong Duterte.
“Sa isang banda, bahagi siya ng gabinete at panay ang pahayag niya ng suporta. Sa kabilang banda, walang duda na may makapangyarihang kapartido siya,” pahayag ni Tinio.
Sinabi naman ni Kabayan partylist Rep. Harry Roque na mahirap agad paniwalaan ang pahayag ni Robredo na walang plano ang Liberal Party na iupo ito sa Malacañang lalo pa at iba umano ang sinasabi ng Pangalawang Pangulo sa aksyon naman ng kanyang partido.
“She will say one thing even if party will do the opposite,” dagdag pa ng mambabatas.
Wika pa ni Roque na walang partido ang hindi naghahangad ng kapangyarihan at ganito umano ang sistema sa Pilipinas.
“Its natural and the nature for a political party to aspire for political power. Statement of VP is contrary to human experience,” pagtatapos pa ni Roque.
Alam na ng mga YELLOW… may unawaan si Leni Robredo at si Noynoy.
Kung mapatalsik si DU30, magiging presidente si Lenlen, si Noynoy ang unang makikinabang, aasawahin si Lenlen, hinog na ang dalawa… hehehe.
kung si roque at tinio kaya ang akusahan na kaya di pumapalag sa administrasyong duterte ay dahil sa TAKOT? ano kaya ang kanilang pahayag? huwag sana silang magbibitiw ng anumang pahayag kung ito ay ipekulasyon lamang o kaya’y halusinasyon…kung naroroon sa kanila ang matibay na ebidensya ng partido liberal ukol sa planong pagpapatalsik kay duterte…aba’y panahon na nila ngayon upang mas sumikat at magkaroon ng mas mataas at matibay na posisyon sa kasalukuyang pamahalaan…dahil patunay na marunong tumanaw ng utang na loob si duterte…
Si Leni ang tunay na statesman. Ang gusto nya ay magkaroon ng healing. Hindi niya kayang iplease ang lahat. Saludo ako sa iyo Vice Leni !!! Wala syang ginagawang masama para siraan ng kahit sino. Kung di ninyo sya matanggap may katapusan naman ang term nya 6 years lang. Magtiis kayo ng 6 years gaya ng pagtitiis ng mga anti Duterte. Kung may makita kayong mali sa ginagawa ni Leni may Impeachment naman para sya tanggalin sa pwesto.
AGREE! PERFECTLY SAID!
SUPPORT DOES NOT MEAN RIGHT & WRONGS SUPORTADO MO SIYA, THEN YOU ARE FOOLING YOUR SELF AND THE COUNTRY.
Si Leni ay tunay na stateswoman at she cannot speak for herself. She is a listener not a leader.
Nagkukunwari lang ang biyuda dahil siya ang makikinabang sa pagtalsik ni Duterte. Alam niya iyan. Kaya nga walang tiwala si Duterte sa kanya. Tulad na lang ni GMA noon na naging DWSD Sec. pa ni Erap iyon pala matagal nang niluluto ng asawa niyang si Mike sa pagpapatalsik kay Erap kasabwat ang ibang mga grupo.
may point ka.