PATULOY sa pagbibigay ng mensahe si Arnel Cowley para sa yumao niyang asawa nsa si Isabel Granada. Sa IG account nito ay nag-post si Arnel ng tatlong larawan nila ni Isabel.

Nagpapakita ang lara­wan ng masasayang bonding ng dalawa na magkayakap pa. Sa caption, sinabi ni Arnel na hindi mapapalitan ang pagmamahalan nila ni Isabel dahil ito ay masyadong malalim.

@arnel 1973: “Our love for each other is so deep that it could never be replaced. I miss you my baby @isabelgranada21 #almosthome.”

Matindi nga ang lungkot ni Arnel sa pagkamatay ni Isabel. Sa pinost ni Maxi Santiago sa kanyang Instagram wall na @maximyze, makikita ang video ng break-down moment ni Arnel sa simbahan sa harap ng picture ni Isabel isang araw matapos ideklarang patay na ang aktres.

Sunud-sunod ang mga posting ni Arnel ng larawan nila ni Isabel na may mga mensaheng, “I will miss you baby @isabelgranada21. You are my heart and soul #my love” at “Missing you so much. My journey is meaningless without you baby @isabelgranada21.”

Wala pang plano kung ano ang mangyayari kapag na-cremate na ang labi ni Isabel at kung paano magsisimula ng kanyang bagong buhay si Arnel.

Si Jericho Aguas ay matagal na ring may relasyon sa isang Viva Hot babe na si Jaycee Parker.

Sina Arnel at ang ina ni Isabel na si Mommy Guapa ay hindi pa alam kung paano nila sisimulan ang buhay ngayong wala na ang aktres.

Samantala, naging instrumento ang biglaang pagkamatay ni Isabel para magkaroon ng interest ang netizens sa sakit na aneurysm.

Ilang araw na ring nagpasalin-salin sa mga socmed ang video tungkol sa aneurysm para bigyang babala ang mga tao na mag-ingat sa karamdamang ito na walang sintomas bago umatake.

Nakatulong ang pagkamatay ni Isabel para maging aware ang netizens sa kung paano maiiwasan at magagamot ang sakit na nabanggit.

Siya nga pala, sa ­unang lamay para kay Isabel ay agad na sumugod sina Mother Lily na inalalayan ang nanay ni Isabel na si Mommy Guapa, at ganun din sina Chuckie Dreyfus, Manilyn Reynes, Bianca Lapus, Harlene Bautista, Romnick Sarmenta, Elmo Magalona at Janella Salvador, at marami pang iba.

May mga nakapagbulong sa akin na hindi nagdalawang isip na magbigay ng tulong, o mag-ambag-ambag ang mga kapwa-artista ni Isabel lalo na at nabalitaan nila na nangangailangan ng tulong ang pamilya nito para sa burol at libing ng aktres, na siyang ipinost din nina Chuckie at Lotlot at iba pang kaibigan nito.

Si Bianca nga ay nagpagawa pa ng dress para sa kumare niyang si Isabel.

Anyway, lahat ng nagpunta sa unang burol ni Isabel ay nagsasabing kahit sa loob ng kabaong ay napakaganda pa rin ni Isabel. Para nga raw itong Sleeping Beauty talaga, na mas binagayan nga ng suot nitong white dress.