Parang Facebook ang relasyon ng dalawang artistang ito.

Puwedeng i-like, puwede ring mag-comment, pero hindi dapat i-share!

Behaved ang mag-sweethearts dahil ayaw ng kanilang home network na maging open sila tungkol sa kanilang relasyon.

Pati sa pagpo-post sa social media, limitado na rin ang pictures na magkasama ang mag-sweethearts para hindi mag-react ang fans.

May ibang guys din kasing nali-link kay young actress na gusto ng fans, kaya hindi puwedeng maging open siya sa relasyon nila ng aktor na sinasabing boyfriend na niya.

Well…

***

DAHIL sa Biyernes na ang finale episode nila, nag-last taping day na noong Lunes ang Destined To Be Yours nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Hindi namin nakita sa Eat Bulaga kahapon sina Maine at Alden at ang sabi ng isang staff, inumaga sa taping, kaya hindi na kinayang mag-report sa show.

Ngayong magtatapos na ang Destined To Be Yours ay palagi na namang mapapanood sa Eat Bulaga ang dalawa?

Sa huling pagkikita namin ni Alden sa Eat Bulaga, naikuwento niyang sisimulan kaagad nila ni Maine ang isang bagong pelikula.

***

Sinon Loresca
Sinon Loresca

Kahapon sa Eat Bulaga, may isang balikbayan fan ang nagpa-picture kay Sinon Loresca (unang nakilala bilang Rogelia), ang tinaguriang The King of Catwalk.

Nagulat si Sinon nang abutan siya ng dalawang shoes ng fan na nagpa-picture sa kanya.

High heels ang shoes na ibinigay kay Sinon na isinukat niya kaagad at kasyang-kasya kaya tuwang-tuwa siya!

Suot na niya ang high heel shoes sa JACKPOT EN POY segment ng Eat Bulaga.

“Bongga, ang bait no’ng nagbigay sa akin!” sey ni Sinon.

Mahilig rumampa si Sinon, kaya magagamit niya ang high heels na ibinigay sa kanya ng fan na ‘yon.

Sabi ni Sinon, dito na muna siya sa ‘Pinas at ine-enjoy niya ang kanyang career sa Eat Bulaga, kaya wala muna siyang balak bumalik sa England kung saan siya based.

***

Kahit tinapatan sila ng special episode ng Coco Martin action series, para sa mga taga-GMA 7 ay panalo ang pilot telecast ng kanilang Mulawin vs. Ravena noong Lunes.

Masaya ang Kapuso network management sa feedback ng netizens tungkol sa Mulawin vs. Ravena.