NAPUNO ng pakikiramay at mensahe ang social media sa pagpanaw ng isa sa itinuturing na pinakamagandang aktres sa local cinema na si Isabel Granada sa edad na 41-taong gulang.

Ilang minuto matapos mabalitang binawian ng buhay ang aktres, nag-post na ang mga fans, kasamahan sa showbiz industry at iba pa ng kanilang mensahe sa pagpanaw ni Isabel.

https://www.instagram.com/p/BMliwvgB4xL/?taken-by=isabelgranada21

@biancalapus, “Heaven just gained another Angel…Rest in peace sis @isabelgranda21 I am thankful for the 2 decades of friendship we had…ok lang kahit di natuloy ang date natin at inuman ng guyabano juice at pagtatawan natin na after I gave birth hindi na kasya sa akin ang costume natin sa play na noli me tangere kung saan nag-alternate tayo as maria clara at tinanggap ko yung role ko na mermaid sa Halik ng Sirena dahil sa iisang rason na ikaw ang bida dun kahit hirap na hirap ako sa buntot ko at muntik malunod tapos tawa ka ng tawa.

“‘Yung tawa mo yun ang gusto kong tandaan ngayon kasama ng pambansang eyelashes mo..ang importante hindi ka na nahihirapan. No more pain.  I know you fought sis..Pahinga ka na, mahal kita.”

@angelinequinto, “Nakikiramay po ako sa buong pamilya at mga kaibigan ni Ms. Isabel. Hindi ko man po kayo nakilala ng personal alam kong napakaraming nagmamahal sa inyo dahil napakabuti niyo. Pahinga na po kayo Ms. @isabelgranada21.”

@billycrawford, “RIP ate isa, you surely be missed. May you rest well in the presence of our Lord Jesus Christ. My condolences goes out to Mommy Guapa and the rest of your family. I lost a friend but gained an angel.”

@vhongx44, “Hanggang sa muli nating pagkikita mare. Salamat sa pagkakaibigan at pagmamahal, we will miss you!”

Sina Jaya, Janno Gibbs, Manilyn Reynes, John Lapus ay nag-poste din ng kanilang pakikiramay.

Samantala, humihi­ling ang ex-husband ni Isabel Granada na si Jericho Aguas na patuloy na ipagdasal ang namayapang aktres.

“Patuloy po nating ipagdasal ang kanyang kaluluwa…” sabi ni Jericho.

Ikinuwento ni Jericho na hindi na talaga kinaya ni Isabel ang paghihirap.

“Actually po, bale yung heart niya nag-dropped na pong lahat kaninang 6:30 po siguro hindi ko na naisip yung oras, 6:30 to 6:45 (Qatar time) pero on record po bale she was declared brain dead since Oct. 27 around 12 noon.

“Kami po ni Mama, kami po ni Hubert, ako, kami po ay tutungo na po ng Pilipinas…sumuporta, nagpakita ng pagmamahal kay Isabel hindi ko na po kayang babanggitin lahat. Ang akin pong pamilya, ang kanya pong ina, ang aking anak at lahat po nang narito ay… maraming salamat sa inyong pagdarasal kay Isabel.

“‘Yun po ang nagbigay ng lakas po sa amin para po mag-hold at maniwala sa miracle. Ngunit, ‘yun pong katawan niya hindi na po talaga kinaya.”

Sa Instagram account ni Maxi (@maxxymize), mapapanood ang statement ni Jericho Aguas tungkol sa naging kondisyon ng dating asawang si Isabel. Katabi nito ang anak na si Hubert na nakikinig lang sa sinasabi ng kanyang ama.

Nagpasalamat si Jericho o Geryk sa mga sumuporta at nagparamdam ng pagmamahal kay Isabel mula nung ma-comatose ito. Nabanggit sa statement ang pangalan ni Arnel Cowley na siyang current husband ni Isabel.

Kagaya ng ex-husband ni Isabel, nag-post din ng kanyang mga mensahe si Cowley tungkol sa pagpanaw ng aktres.

Sa sumunod na post ni Maxi, ang video naman nina Jericho, Hubert at ng ina ng aktres na si Mommy Guapa ang pinoste nito. Naka-wheelchair ang mother ni Isabel.

Kabilang sa naghatid sa airport pasaka­y ng eroplano pabalik ng Manila ay ang mga opisyal ng Philippine Embassy sa Qatar.