MAY ilang komedyanteng kaibigan ni Atak na nakausap namin pero ayaw muna nilang magsalita dahil may kaso at mas iniisip nilang hindi ito makaapekto sa kasong hinaharap ng komedyante.
Nu’ng nakaraang Linggo pa pala nangyari ito, pero nu’ng Lunes ng gabi lang pumutok ang balita na inaresto nga raw si Atak o Ronie Arana sa tunay na buhay.
Ayon sa lumabas na balita, bandang alas-dos ng hapon nag-check-in si Atak sa Okada Hotel pagdating niya galing sa Masskara festival sa Bacolod City.
Tinulungan daw si Atak ng bellboy na si Mark Christian Macavinta, 21 years old na taga-Sta. Mesa, Manila.
Base sa sumbong nitong Macavinta, pagdating daw nila ng kuwarto sa Room 725 ng naturang hotel, pinaghahalikan na raw ni Atak itong bellboy pero itinulak daw niya. Hindi pa rin daw tumigil si Atak, pinaghihipuan siya, pero nakatakas daw ito.
Kaagad na nagsumbong daw siya sa security at doon tumawag na raw sila ng pulis.
Nakausap namin si Arnell kahapon ng umaga at tila nagdududa siya sa ibinibintang ng bellboy kay Atak.
Ayaw lang muna niyang magbigay ng pahayag dahil hindi pa raw niya nakausap si Atak.
Dapat ay pupuntahan niya ito sa Parañaque police station pero hindi siya natuloy dahil sa sobrang traffic.
Ang pagkakaalam daw niya, inaayos na ito ng abogado ng komedyante. May ilang kaibigan ni Atak na nakausap namin, pero ayaw muna nilang magbigay ng pahayag dahil mas mabuting tahimik na lang daw muna.
Pero tumutulong sila kay Atak na maayos itong kaso dahil hindi sila naniniwala sa harassment na ibinibintang sa kanya.
Sa liit daw na iyun ni Atak, ang dali nitong itulak at takasan agad na hindi na umabot sa panghihipo.
Ang duda ng ilang kaibigan ng komedyante, baka gusto lang siyang perahan kaya ipinarating na ito sa pagsusumbong sa pulis.
Ayon sa ilang reporter na pumunta roon sa presinto sa Parañaque, inamin naman daw ni Atak na niyakap niya ‘yung bellboy na si Macavinta, pero itinanggi niyang hinipuan niya ito at pinaghahalikan. Sinasabi raw ni Atak na pineperahan lang siya nu’ng lalaking iyun.
As of presstime, naka-detain pa rin daw ang komedyante at hindi paito nakapaglagak ng piyansang P12K.