Showbiz nagpiyesta: Angel-Neil binaha ng pagbati sa engagement

By Roldan Castro

Nag-propose na ang producer-businessman na Neil Arce kay Angel Locsin.

Sa Instagram account ni Neil ay makikita ang lara-wan ng isang babae na blurred ang mukha. Makikita rin ang kamay ng isang lalaki na may hawak na singsing sa kanyang likuran.

Ang caption ni @neil_arce, “Execuse me miss…I have a question..”
Ang reaction ni Angel ay ‘anu yun myhal?’

Nag-congrats naman sina Yasmien Kurdi, Barbie Imperial, Ynna Asistio, Liz Uy, Sarah Lahbati, Dominic Roque, Rocco Nacino , Sam YG sa comment section.
“Ayan naaaaaaaaaa!!!” reaction ni Vice Ganda. Ganoon din si Dimples Romana.
Napa-OMG sina Bea Alonzo, Coleen Garcia, Denise Laurel, Maris Racal, Andrea Torres, Kim Molina. Napa-aaahhh si Lovi Poe with heart emoticons.

Pinusuan din at masaya sa pagbati sina Meg Imperial, Marco Gumabao, at Boy2 Quizon. Aww naman ang reaksyon ni MJ Lastimosa.

@mrsnerimiranda, “Ayuuuuun! Pwede nang ipagsabi! Hahaha! Ka-kilig!!!! Sobraaaaang masaya kami para sa inyo ni Angel! Finally.”

Maraming kasamahan sa industriya ang nagpipiyesta habang isinusulat ito. May 2,818 comments na para kay Neil.

Sa Instagram account ni Angel ay may photo rin siyang naka-post. Kamay ng babae na may suot na singsing. Nakataas naman ang dalawang kamay ng lalaki na tuwang-tuwa.

Ang caption ni Angel ay “Surprise of my life”.

540 ang comments sa 19 minutes na pag-post ni Angel. Bumati, pinusuan at nag-congrats sina Maja Salvador, Loisa Andalio, Anne Curtis, Marian Rivera, Kim Chiu, Mariel Rodriguez-Padilla, Vina Morales, Valerie Concepcion, Bubbles Paraiso, Kathryn Bernardo, at John Prats.