PORK NG INA MO!
Nawindang ang showbiz writer na si Roldan Frias Castro paggising kahapon.
Post ni Roldan sa Facebook, “Wala akong kamalay-malay, pinagpipistahan na pala ang picture namin ni Sen. De Lima na kuha namin nu’ng presscon niya sa movie press.
“Ang dami kong messages na natanggap at tawag.Trending daw me… Ako raw ‘yung driver niya.
“My gosh, kung alam lang nila na hindi ako marunong mag-drive dahil nerbyoso ako.
“Hindi nga ako makalabas ng bahay pag walang inaasahang driver hahaha…
“Eto namang nasa social media, share nang share nang hindi nagre-research…”
Aminado ang showbiz writer na si Roldan na VIRGIN pa siya sa babae.
At ang pag-aaral sana ni Roldan na magmaneho, ngayon ay isang malaking… DILEMMA!
***
Sa napipintong project ni Kris Aquino sa APT ni Mr. Tuviera, nakorner ng press si Ai Ai de las Alas para sa reaksyon.
“Sobrang mahal naman ako niyan para sundan niya ako. Kung alam ko lang na lilipat pala siya, hindi na sana ako umalis. Chos!” pabirong punchline ng Comedy Queen sa dati niyang Friendship.
***
Maggi-guest si Alden Richards sa telefantasyang Encantadia bilang Lakan, isang Mulawin na nangako ng katapatan at ipaglalaban ang mga diwata.
Excited si Alden sa kanyang special appearance dahil bata pa lang siya ay napapanood na niya ang unang bersyon ng Encantadia.
“Happy ako kasi actually growing up ay lumaki ako ng may Encantadia, eh,” sey ni Alden, na endorser ng FIX Bench Salon.
“Kaya dapat pong abangan ng mga viewers kung ano nga ba ang magiging role ko sa pinakalamalaking series sa telebisyon.”