NI: ALWIN IGNACIO
Sa mga nakisawsaw sa Elsa monologue exercise, ang isa sa pinakapaborito kong final outcome ay ang Dan Villegas-Jericho Rosales collaboration.
Iba ang artistic interpretation nina Villegas at Rosales sa iconic monologue na sakdal husay na ipinahayag ni Nora Aunor bilang Elsa sa kanyang mga kababaryo sa Cupang. May restraint, dama mo ang sinseridad sa pagtatapat at pagbubunyag ni Jericho na walang himala, na tayo ang gumagawa sa mga himala, at ang himala ay nasa puso nating mga tao.
Maliban sa kaganapang ito, nakakatuwa rin ang mga Facebook live bidyo ni Papa Echo na walang halong pag-iimbot at buong katapatang inaamin ang kanyang pagkaburyong sa kasalukuyang kinakasadlakan nating lahat. Parang bata ito na naghanap ng kausap.
At pag nakikipag-usap si Rosales sa kanyang followers, parang katsika niya ito for real, na hindi ito virtual exchanges.
Gustong-gusto ko yung video niyang nakalublob sa pool habang nag-vovocaliso. Pati na rin yung shower room bidyo na bitin na bitin ang sangkabadingan dahil hindi niya man lang pinasilip ang kanyang matipunong dibdib, suckable na mga utong at katawang pang-romansa.
Ito namang si Jericho, pinauso na nga ni Ansel Elgort yung nakahubo sa shower pictorial hindi pa nakigaya at dapat pag siya, hindi niya dapat takpan ang kanyang palo-palo para malaman kung pang-Mr. Pogi rin. Charot. Hahahaha!
Wala naman daw dapat ipag-aalala sa kanyang video postings. He is just letting off steam and connecting to all.
Dahil dito, sending you power hugs Echo the Guapo!