Ambilis ng mga nangyayari.

Isang tawag sa telepono, maya-maya ay may nag-iimpake nang player at nagmamadaling huma­bol sa flight kung saanmang lungsod siya na-trade.

Nakadalawang galaw ang Houston Rockets bago pa natapos ang trade deadline noong Feb. 7.

Pinamigay nila si forward James Ennis sa Phi­ladelphia, nakuha ng Houston ang right na i-swap ang kanilang 2021 second round pick sa 2021 se­cond rounder din ng 76ers.

Nag-a-average si Ennis, 28, ng 7.4 points at 2.9 rebounds habang kakampi sina James Harden at Chris Paul.

Nalambat din ng Rockets si Iman Shumpert sa three-team trade sa Sacramento Kings at Cleveland Cavaliers.

Nakuha ng Rockets mula sa Cavs sina Nik Stauskas at Wade Baldwin.

Binigay ng Rockets ang isang first round pick at sina Brandon Knight at Marquese Chriss sa Cavs, nakuha ng Kings si Alec Burks mula Cleveland.

Nasa fifth sa Western Conference ang Houston sa 33-24.

Walang duda, si Shumpert ang headliner ng three-team trade.

Asset siya sa sistema ni Rockets coach Mike D’Antoni na shoot-shoot-shoot.

Hindi siya nangingiming bumitaw sa labas, at may tira sa 3-point range. Sa kasalukuyan ay 36.6 percent siya sa labas ng arc, karamihan sa sulok.

May Harden na manggagaling sa tuktok, may Shumpert na nakaabang sa corner.

May tsansa na silang itumba ang Golden State sa West.

Off the bench ay puwedeng humalili si Shum­pert kina Paul o Harden. Hindi siya ganun kaangas sa depensa, pero swak sa pick-and-roll na bukod sa tres ay palabigasan din niya.

END