‘Di naiwasan ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez na maluha tapos malasap ng Gilas Pilipinas ang masaklap na 81-84 overtime loss sa importanteng laro kontra Angola upang mahulog sa ikatlong sunod na kabiguan sa ginaganap na 18th FIBA World Cup 2019 sa iba’t ibang lugar sa China Miyerkoles ng hapon.

Napunta sa mga kamay ng World Cup rookie na si Perez ang posibleng pantulak sa Gilas sa natitirang 5.2 segundo ng laro subalit ‘di nito naiatake at ipasok ang bola na nagtulak sa laban para sa dagdag na limang minuto.

Namumugto ang mga mata nang kausapin ng mga manunulat si Perez ilang minuto nang agawin ng Angola ang panalo sa overtime.

‘Di naman nawala ang suporta ng mga netizen kay Perez na ikinatuwa ang tapang at lakas na loob nitong pakikipaglaban para sa bansa.

Sinabi ni Eben Abelilla (@Tearsinheben: “ginawa mo ang best mo di ka na-inform ng coaches na 5 sec plus sama mo po yung boy hingi ng bola na si Ravena. Sana represent mo pa ang Pinas. Una palang to madami pang laban ang Pilipinas Perez. Bolick, Perez, Fajardo keep for 2023 if ever.”

Ganito din ang pahayag ni Alvin Soriano (@angelens), “bright future ahead of this young predator!”

“We knw you did your best man! Still proud of you young blood! #gilas #puso!” tweet ni Angel sa account niyang @AngelEdwardsss.

“Be proud CJ, you showed the world your brand of game and displayed amongst all the Gilas Mantra, #PUSO,” sabi naman ni @Skinny8867.

Si Angel Castro Alberio@angelc_alberio ay nagpost naman na “He’s the only guy who played his heart out! Puso. Other players don’t show any quality game!” (Lito Oredo)