Si Isiah ang salarin hindi ako – Isaiah

“Iyong Isiah Lord Thomas III po, hindi ako!” esplika ni Isaiah Jamar Thomas sa mga namba-bash sa kanya.

Hindi na nakapagtimpi ang National Basketball Association (NBA) journeyman na huling

naglaro sa Washington Wizard sa taong ito sa mga batikos sa kanya ng fans kaugnay sa sinasabing alitan nila ni NBA icon Michael Jordan.

Nagsimula ito sa lumabas na ika-3 at 4 na episode ng Chicago Bulls/Michael Jordan documentary na ‘The Last Dance’ noong Lunes.

Laman sa nasabing episode ang naging ganap ng ‘Bad Boys’ kung saan kinukwento ni ‘GOAT’ Jordan ang dinanas niyang hirap at ng Bulls kontra Detroit Pistons na kinabibilangan ni Isiah Thomas III, isa sa mga bumantay kay Jordan noong 1987-90.

Ang problema ay kapangalan ni Isaiah si Isiah kaya nadamay at pagbatikos ng fans na bumasag sa kanmyang pananahimik at klaruhin wala siyang kinalaman sa mga pagkakasala ng kanyang katukayo.

@isaiahthomas: “Y’ all be tweeting me mad at me like I was tryna hurt Jordan lol,” pabirong tweet ng 2x NBA All Star, na nagtataka kung bakit siya ang pinupuntirya ng mga netizen at hindi ang Hall of Famer na nagretiro noong 2008.

Marami naman ang naaliw at natawa na lang sa dinanas ng batang Thomas. (Aivan Denzel Episcope)