Si Iska sa Palanca

Hayaan ninyong i-flex ko ang isa na namang Mass Communication batchmate sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na ginawaran ng prestihiyosong Carlos Palanca Memorial Awards for Li­terature — si Bridgette Ann Rebuca na mas kilala sa tawag na ‘Bridge’.

Ang winning piece ni Bridge na pinamagatang ‘Transient Lovers’, nakasungkit ng 3rd prize sa ‘May Isang Yugto’ category ng Palanca Awards. Sa unang basa, iisipin mong tungkol ang dula sa contemporary dating. Pero base na rin sa title, nakatuon ang kuwento nito sa permanence at impermanence ng buhay.

Kuwento ni Bridge, “Sinasabi rin nito na hindi rin permanent ang mga setbacks sa buhay and we can always improve ourselves for the better, get a fresh new start, and grow.”

Kaabang-abang daw ang kuwento ng kanyang winning piece. Ayon pa kay Bridge, “Plotwise tungkol ito sa babae at lalaki na nagpi-pick-up-an sa Baguio.
Tapos habang nagbabasa ka, aabangan mo kung sasama ‘yung isa dun sa isa.”

Isinulat daw ni Bridge ang ‘Transient Lovers’ noong pana­hong medyo down siya. “Habang nagbabakas­yon and at the same time, wrestling with relationship dilemmas, sinulat ko siya. Para siyang na­ging bugahan ko.”

Hindi inasahan ni Bridge na matatapos niya ang nasabing dula. “Hindi ko inexpect na matatapos ko siya because I ne­ver get to finish anything na personal kong gawa, maybe because busy sa deadlines at trabaho.”

Kung si Bridge ang tatanungin, gusto niyang i-adopt into a full-length film ang kanyang obra.

Hindi raw ito ang unang beses na sumali siya sa Palanca Awards. Pero ngayon siya pinalad. Kaya laking tuwa at pasasalamat niya.

Hindi na bago kay Bridge ang pagsusulat. Mahigit isang dekada na siyang Senior Writer sa mga teleserye ng ABS-CBN. Kabilang sa mga masterpiece niya ang Wildflower, Los Bastardos, Tubig at Langis at Nasaan ka Elisa.

Talaga namang nakaka-proud ang ipinamalas mong husay at galing, Bridge! Isa kang tunay na Iska. Muli ang pagbati sa’yo ng buong PLM community higit lalo ng Mass Communication Batch 2004.