Si PO1 Bato, ang PNP mascot

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-24 anibersaryo ng Philippine National Police (PNP) Police Community Relations Group (PCRG), pormal nang ini­lunsad kahapon ang PNP mascot na binansagang PO1 Bato na kahawig ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Si PO1 Bato ay gagamitin sa roadshow ng PNP-CRG sa mga paaralan at komunidad upang ipaalam sa mga kabataan ang kasamaan ng droga.

Sa pagbungad ng mascot, napatawa nang todo si Dela Rosa lalo na nang magsagawa ito ng isang dance demonstration sa harapan ng mga panauhin sa flag-raising ceremony sa Camp Crame.

Ayon kay PNP PCRG Chief Sr. Supt. Gilbert Cruz, ang pag-promote ng imahe ng isang mas “maka-masang pulis” ay layong hikayatin ang mamamayan na ‘wag katakutan ang mga pulis at maging mas aktibong partner ng PNP sa kampanya kontra droga.