Si Suerte na ba ang swerte?

Kung titingnan ang UAAP men’s basketball standings sa nakaraang dekada, isang koponan ang consistent sa pagiging pulado, ang University of the East Red Warriors.

Matapos ang magical run ng University of the Philippines noong nakaraang season para umabot sa finals, UE na ang may pinakamahabang Final Four drought sa torneo.

UAAP Season 72 pa ang huling tungtong ng Warriors sa F4, matapos iwan nang ngayo’y PBA superstar nang si Paul Lee, naubos na ang swerte ng koponan.

Pero baka mag-iiba ang timpla ng kapalaran sa parating na 82nd league season.

Maliban sa napipintong pagbabalik ng super scorer na si Alvin Pasaol para sa kanyang huling playing year, hindi muna rin ito nagpa-draft sa PBA para sa mga mandirigma, mababawasan na ito sa pagdating ng isang decorated Visayan athlete sa UE.

Sa papel, walang itulak kabigin ang angas ni Rey Suerte pagdating sa hard court. Sa tatlong taong paglalaro sa University of Visayas Lancers, naigiya niya sa tatlong kampeonato ang UV, patunay sa kalidad na dala ng 23-anyos na forward.

Bukod pa rito, dalawang MVP citation lang naman ang naigawad kay Suerte, liban pa sa hitik niyang karanasan sa paglalaro sa 3×3 at sa PBA D-League.

Kasalukuyang nagpapakitang-gilas si Suerte para sa Che’Lu Bar and Grill, nag-aaverage ng 14.2 points, 4.6 rebounds, 1.6 assists, 2.2 steals, at 1.2 blocks.

Sa kanyang napipintong pagsalang sa UAAP, dasal ng mga taga-UE na hindi lang sa pangalan ang suwerte ni Suerte.

***

Atin pong ipagdasal ang mga nasalanta ng dalawang tumamang lindol sa bansa partikular na sa Pampanga at Visayas area. Manatili po tayong ligtas sa anumang sakuna, mga ka-Abante.