Siargao: Tokong asinta ang next round

Susubukan ni Philippine surfing team member John Mark Tokong at dalawang pang Pinoy na bitbitin ang watawat ng bansa sa next round ng Siargao International Surfing Cup sa Cloud 9 surfing ngayon sa Siargao Island, Surigao del Norte.

Kailangan nina Tokong, naghahanda rion sa 30 Southeast Asian Games surfing competitions sa La Union sa Disyembre, at mga kababayang sina Christian Araquil at Jay-r Esquivel na makapuwesto sa Top 2 ng kanilang heats para umabante.

Nabigo ang iba pang PH bets na quarterfinalists ana sumulong sa susunod na yugto gaya nina PJ Alipayo, Carlito Nogralo, Kent Brian Solloso at Neil Sanchez.

“No pressure,” ani Tokong, na tubong bayan ng Gen. Luna, kung saan matatagpuan ang Cloud 9. ‘’Besides, I’m not the only one left for the Philippines.”

Presentado ito ng Globe Telecom at Sprite. Supotado rin nina Siargao Rep. Bingo Matugas, Surigao del Norte Gov. Francisco “Lalo” Matugas, Department of Tourism at ng Philippine Sports Commission.

Nabuo sa Siargao International Surfing Organizing Committee (SISOC) ang tanggapan ni Gov. Matugas, Rep. Matugas at Mayor Yayang Rusillon ng Gen. Luna. Rep.

Pinasalamatan ni Matugas ang Globe sa ayuda.

“Considering that this year is the 25th anniversary of the Siargao Cloud 9 Surfing Cup, we would like to make the event more grand and memorable,” sambit ni Rep. Matugas. “We recognize that we cannot do it alone.Globe’s valuable support will surely ensure the competition’s success’’.

Pinagkalooban ang ofreign at local competitors, local government units officials miyembro ng media memorable fiesta-like athmosphere sa Boulevard Sabado ng gabi.

Dumalo sina Gov.Matugas, Rep. Matugas, PSC Commissioner Ramon Fernandez, Chinese Embassy officials, at ibang officials at sponsors.