Nanggigigil na ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may sisibakin itong dalawang mataas na opisyal ng gobyerno, pagbalik ng Pilipinas mula sa state visit sa Singapore.
Ang anunsyo hinggil sa gagawing pagsibak ay ginawa ng Pangulo kagabi sa harap ng Filipino community sa Singapore.
Sa kanyang talumpati sa Filipino community, binigyang diin ng Pangulo na hindi niya papayagang umiral pa muli ang korapsyon sa kanyang administrasyon at sa loob ng kanyang termino.
“I will assure you corruption will stop. Learn to be assertive. Ako, may i-fire out ako ngayon dalawa pag-uwi ko ngayon, mayroon akong sabihin talaga na paalisin ko. Mataas na opisyal, malaman nila ‘yan,” pagbibigay-diin ng Pangulong Duterte.
Bunsod nito sinabi ni PDu30 na hindi nito kursunada na makatanggap ng impormasyon na may nadadawit sa anomalya.
Giit ng Pangulo, kahit pa sa pormang bulong lamang maiparating sa kanya ang impormasyon ay hindi na siya susugal pa na panatilihin sa puwesto ang tiwaling opisyal.
Mas mabuti aniyang sipain na lang sa puwesto ang mga kurakot.
Kaugnay nito, hindi naman tinukoy ni PDu30 kung sino ang dalawang opisyal na kanyang sisibakin.
“Sinabi ko na sa inyo lahat hinigpitan ko… Even a whisper maski bulong lang paalisin na lang kita kaysa magsugal pa ako. If I’m in doubt you better go,” sabi pa ng Pangulo.
Samantala, nagbitiw na sa tungkulin ang dalawang opisyales ng Bureau of Immigration (BI) na sina Deputy Commissioner Al Argosino at Mike Robles matapos masangkot sa umano’y pangingikil ng P50 milyon sa casino tycoon na si Jack Lam.
Sa liham ng dalawang BI commissioners, sinabi nilang minabuti nila ang pagbibitiw upang ilayo sa kontrobersya si Pangulong Duterte.
“Today, we learned that Wally Sombero filed an Ombudsman case for anti-graft and corrupt practices against us. Now that both cases have already been filed, it is time for the truth to prevail. To spare the Honorable President from the troubles brought about by the false allegation hurled by Mr. Wally Sombero, we are tendering our resignation effective immediately.”
Magugunitang ang dalawang BI officials ay nakuhanan ng CCTV na tinatanggap ang milyun-milyong halaga ng pera mula kay Sombero na anila’y bahagi lamang ng kanilang ginagawang imbestigasyon subalit pinabulaanan naman ni Sombero.
oo nga pala ano? ano na ba ang nangyari sa mga opisyal na binansagan na narco-general, parang nawala na sa sirkulasyon. . . .
Di na kailangan sibakin dahil nagbitiw na sila. Naunahan ka. Buti pa barilin mo na lang ang dalawa. Sampolan mo ng EJK.
siguro ginagawa lang naman ng pangulo ang nararapat
wag nating ipag duldulan na masama ang pangulo sa dami na ng kanyang magagandang nagawa mahiya naman kayo sa mga paninira nyo
wag nyo nalang gawan ng issue ang pangulo
ginagawa lang ng pangulo kung anu ang nararapat
ok lang yan para maalis ang mga salot na opisyal.
yang pangulo mo lang naman ang salot dito sa bansa.
shut up!sugo ng mga dilawang walang kwenta!
magtiwala nalang tayo sa pangulo
nkakasama ata yan sa kanyang administrasyon kaya dapat ng alisin.
kaya nasisira ang diskarte ni tatay digong dahil sa mga opisyla na ganyan.
dapt jan sa dutae na yan pinapalayas nalang para matpos na ang kaaapaaal ng mukha!
mabuting tao ang pangulo!
hindi mo alam ang paghihirap ng pangulo para sa kapakanan natin!
tama lang naman na alisin na yan wala naman na kwenta!
tama hindi naman maaashn mga korap pa!
yes! kaya kayong mga korap kayo naku humanda kayo sa pangulo hindi niya kayo papalusutin!
tanggalin na yan.
dapat ang unahin si dugong na sibakin
ikaw at ang mga korap na opisyal ang sisibikan.
yes lagot sila pag balik ni digong sigurado sibak na sila sa pwesto nila..
dapat lang hindi sila magandang halimbawa sa mga tao ang korap na opisyal na yan
Bossing, tama ka diyan!!.. Kawawang Pinas!! may baliw na presidente!!..
sibakin lahat ng corupt kasama na si ERAP
ikaw dutiti ang dapat na sibakin!
yung mga boss mong dilaw ang sisibakin nya pagbalik nya!
tanggalin na ang mga yan! walang lugar ang mga korapt dito!
sibakin na yan mr president! Ubusin ang mga korapt na opisyal!
Isama si Inday Sarah at si Paulo du30!!..
alisin na yan wlang kwentang opisyal ng gobyerno
tama yan mr. president! alisin ang mga korapt na tao dito sa pilipinas!
oust duterte
kahit anong gawin nyo hindi nyo mapapaalis si duterte.
sibakin para di na kumalat pa ang sakit na yan sa mga ahensya ng gobyerno
tama yan tangalin ang mga tiwalaing opisyal yan ang nababagay sa kanila
Sibak o ililipat lang? At di dapat hanggang sibak lang…dapat ikulong !
Malas lang ng 2 ito, hindi marcos ang apelyido nila. Haha!
Correct ka diyan