WALEY: Sa mga susunod na araw, magkakaroon ng mga press conferences ang ilang pelikulang napili sa script submission ng MMFF 2017.

Magandang malaman ang kanilang saloobin sa mga sa­litang ipinupukol sa kanila ng mga kasamahan natin sa industriya.

Mamayang gabi, mauuna na ang grupo ng Ang Panday sa storycon ng kanilang lahok sa 2017 MMFF.

Ito ay nai-submit bilang isang indie production under Coco Martin’s CCM Creative Productions Inc.

ILANG PAGLILINAW

Para kay Edwin ng Interaksyon.com — Hindi ko sinabi na kaya nag-resign si Ricky ay dahil may mga pelikula siyang isa-submit.

Heto ang sinabi ko — na ipi­naliwang ko pa sa column ko kahapon.

“Sobrang nirerespeto ko sina Roland, Kara lalo na si Ricky. Sabi ko nga they may have their own reason/s for leaving and we respect those.

“Pero sayang — lalo na si Ricky na dapat nasa Selection Committee pa kundi lang sa mga ibang pelikula niya na isusubmit daw bilang finished film entries.

“Sobrang bilib ako sa delicadeza at integridad ni Ricky, kaya naman ikakampanya ko pa ‘yan bilang National Artist.

“Malaki pa sana ang maiaambag nina Roland, Ricky at Kara sa Execom. “

Isa pa, Edwin, inilagay mo pa ang picture ni Raya Martin sa article mo eh hindi rin isinubmit ang Small & Smal­ler Circles (pelikula ni Sid Lucero) sa script submission kaya paano ito maii-snub?

Sa mga ibang nag-aakalang initsapuwera rin ang pelikula ni Mike de Leon na Citizen Jake (tampok si Atom Araullo), hindi rin po totoo ito dahil simula pa noong nag-submit sila ng Letter of Intent ng pagsali sa MMFF, sinabi na nilang sa finished film na lang sila magsa-submit.

Nagla-last shooting day pa ang pelikula na sana ay mai­sali rin sa international film festivals.

Sabi ng taga-UP Film Cen­ter programmer na si Nonoy Lauzon, sana’y makapasok sa Venice Film Festival ang comeback film ni Mike de Leon para magsilbing homecoming niya roon pagkatapos mag-Venice ang Sister Stella L na listed noong 1984 sa Main Competition bilang Sangandaan.

That was then two full years after Mike had two films at the Director’s Fortnight sa Cannes with Kisapmata and then Batch ‘81.

Ang punto ko lang dito, puwede namang magtanong at mag-check muna ng mga detalye bago maglathala para hindi nagpapalaganap at nanggagatong ng mga maling balita.

Batid ko ang dahilan ng pagre-resign ni Ricky Lee noon pa man at iginagalang ko ‘yun!

Naiintindihan ko siya, nakapag-usap kami. Hindi kami nag-aaway — at di ko siya aawayin dahil sobra ang paggalang ko sa kanya.

Sana, maintindihan ito ni Mae Paner!

Hindi tayo kailangang mag-away away. May ibang mga pamamaraan lang tayo para isulong ang makakabuti sa ating lahat given this new set up.

3 Responses

    1. abolish and then? Let the theater owners decide what movie to show?..e di lalong walang Indie film na ipapalabas sa holiday season..mostly mga foreign movies yan at mga for sure na kikitang pelikulang Pinoy ang ipapalabas..which is ok for me… may option na ako makapanood RIN ng foreign film pag Christmas season hahahaha I do support MMFF hindi dahil lang sa pelikulang gusto ko pero dahil rin sa mga magbebenefit ng profit ng MMFF

  1. Pera pera lng ang habol niyo! Ang problema sa MMFF ay hindi ung nag-submit kundi ang palakaran sa MMFF! Obvious naman kaya binalik niyo ang script submission para makabalik ung mga blockbuster films para mabigyan kau ng 1 billion gross eh! “Quantity over quality” dapat ang motto ng MMFF kasi pera lng ang habol imbes na magbigay ng quality movies! Nagkaroon ako ng hope sa future ng MMFF after the MMFF 2016 reforms pero binalik nyo rin sa dati! Dapat i-abolish na lng ang MMFF kung hindi nyo maibalik ang prestige ng MMFF!