Buhos ang suporta para gawing NBA logo si Kobe Bryant matapos nitong pumanaw sa helicopter crash kasama ang anak na si Gigi nitong Linggo.
Sa petisyon na sinimulan ni Nick M sa change.org, mungkahi niyang gawin si Kobe na ang maging NBA logo, at palitan ang isa pang Los Angeles Lakers legend na si Jerry West.
“With the untimely and unexpected passing of the great Kobe Bryant please sign this petition in an attempt to immortalize him forever as the new NBA Logo,” saad sa petisyon.
Sa dalawang araw na nakalipas buhat nang ginawa ang petisyon, mayroon na itong 2,686,805 signature ang aprub na maging NBA logo si Kobe, at patuloy pa ang pagtaas.
Inaasahan na bago matapos ang araw ay maaabot na nito ang 3 million signature na target ng petisyon. Bukod pa sa mga casual basketball fan, maging ang mga NBA player ay nakiisa din na maging NBA logo si Bryant.
“Kobe has to be the new NBA logo…..” saad ni Jamal Crawford. Bukod pa dito, ilang sikat na singer tulad nina Justin Bieber, Usher at Snoop Dogg, na suportado rin ang nasabing pagbabago ng logo. (RP)