Sigaw ng anak ni Sharon: Dekada ’70 balik sa ‘Pinas

Ayon kay Frankie Pangilinan, bumabalik umano ngayon ang Pilipinas sa Dekada 1970.

“time zones are so weird it’s a day earlier in america, a day later in australia, and the 70s in the philippines,” tweet niya.

May kinalaman ito sa pagtutol ng maraming Pinoy sa Anti-Terrorism Bill ng gobyerno.

Dekada ’70 naganap ang First Quarter Storm, o ang serye ng mga protesta laban sa pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa dekada ring iyon, Setyembre 1972, dineklara ni Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas dahil umano sa “communist threat”.

Ang naturang 14-taong panahon, ayon sa mga human rights monitoring group, ay nagtala ng 3,257 extrajudicial killings, 35,000 torture, 77 ‘desaparesido’, at 70,000 pagkakakulong.

Samantala, sinabi ni Senate President Tito Sotto ngayong Linggo na “hindi na kailangan ng martial law kapag napasa namin itong anti-terror bill.”

Kaugnay naman kay Tito Sen, may buwelta si Angel Locsin dahil nag-like ito sa tweet na Pro-NPA umano ang aktres ,May reaksyon ang character actor na si Jaime Fabregas sa Twitter,

Comment ni @fabre_jaime , “ Ang kikitid ng mga utak! Kailangan ng tanggalin ang mga yan sa puesto. Huwag inyo ng iboto uli kasi! Maawa kayo sa bayan!” (SDC)