sigma rho fratmen sinuspinde sa up hazing

Pinatawan ng University of the Philippines (UP) Diliman ng ‘preventive suspension’ at pinag-aaralan na rin umano nila ang paghahain ng kaso sa kanilang mga estudyanteng sangkot sa sinasabing ‘hazing ritual’ ng Sigma Rho Fraternity sa unibersidad.

“Following leads from social media posts, we are investigating allegations of hazing by the Sigma Rho Fraternity. We have placed suspects on preventive suspension and will file formal charges where there is evidence to support such move,” nakasaad sa inilabas na statement ng UP Diliman Chancellor nitong Biyernes.

Gayunman, hindi pa inilalabas ng unibersidad ang mga nasabing miyem­bro ng frat na sangkot sa hazing­ habang ang mga ito ay isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon.

Una dito ay nagpalabas nitong ­Huwebes ng statement ang UP Diliman­ University Student Council na nadiskubre nila sa twitter account mula sa anonymous ang serye ng mga larawan at screenshot tungkol sa hinihinalang insidente ng hazing sa unibersidad.

“One of the photos showed an individual who has undergone an ­alleged hazing incident led by members of UP Sigma Rho Fraternity,” ayon sa statement.

Matapos na kumalat at malaman ng pamunuan ng UP Diliman ang insidente, agad nila itong kinondena at nagpahayag na ang lahat ng uri ng karahasan, at pagtatago ng anumang uri ng violence ay labag sa pinaiiral nilang batas.

Kasabay nito, hinikayat ng pamunuan ng UP sa kanilang mga estudyante, faculty at staff na agad i-report sa kanila ang mga lumalabag sa ‘anti-hazing law provisions in the Code of Student Conduct.’

(Dolly Cabreza)