Sikat na aktor buking na dyowa ang kapareha

Kinumpirma ng isang reliable source namin na magdyowa na talaga ang isang sikat na aktor (SA) at ang kanyang kaparehang aktres (KA).

Matagal nang usap-usapan na may relasyon na sina SA at KA, na halata naman sa kanilang closeness at sweetness, pero hanggang ngayon ay wala pang inaamin ang dalawa.

Panay ang sabi nila noon na close lang sila bilang magkaibigan at wala raw silang relasyon, pero ngayon ay halatang higit pa roon ang namamagitan sa kanila.

Kamakailan ay lumipad pa-South sina KA at SA for an out of town event. Bago pa dumating sa lugar na pinuntahan nila ay obvious na raw na may LQ o lovers’ quarrel ang dalawa.

Kuwento ng aming source, mainit ang ulo ni KA pagdating nito sa venue dahil magkaaway nga sila ni SA.

Dahil wala sa mood si lalaki, bawal pumasok doon sa holding area ng mga artista ang hindi part ng kanilang entourage.

In short ay gusto ni SA ng privacy dahil ayaw niya siguro na may makakita na hindi sila okey ni KA.

Nu’ng bandang hapon na ay mukhang nagkaayos na ang dalawa. Tapos na ang kanilang LQ, so okey na ang mood ni SA.

Nu’ng may mga importanteng tao na tagaroon na gustong magpakuha ng picture sa kanila, dinig na dinig ng aming source nang tawagin ni SA si KA ng isang matamis at mataginting na ‘Ma’ (as in Mama)!
PAK!!

Nagulat na natuwa ang source namin sa narinig niya dahil buong ningning na ‘Ma’ ang tawag ni SA kay KA. Nakakakilig!
Hirit ng aming source, sinong lalaki ang tatawag ng ‘Ma’ sa isang babae kung hindi niya ito karelasyon?
‘Yun na!!

Hindi na natunugan ng source namin kung gumanti rin ng tawag na ‘Pa’ (as in Papa) si babae kay lalaki, pero sapat na ‘yung narinig niyang term of endearment mula kay aktor na katunayang dyowa nga nito ang kaparehang aktres!
***

Sa Miyerkules na pala ang showing ng pambagets na horror movie ng APT Entertainment na “Banal,” pero wala itong kaingay-ingay.

Movie nina Bianca-Miguel tinipid

Kagabi ginanap ang premiere ng pelikula na parang sila-sila lang ang may alam.

Sayang, dahil bida pa naman sa movie sina B­ianca Umali at Miguel Tanfelix na hot ngayon dahil sa hit Kapuso primetime serye nila na “Sahaya.”

Bukod sa BiGuel ay nasa cast din si Andrea Brillantes na bida naman ng hit afternoon soap na “Kadenang Ginto” ng Kapamilya network.

Si Andrea lang ang taga-ABS-CBN dahil taga-GMA din ang dalawa pa nilang co-stars na sina Kim Last at Taki Saito.

Si Taki na based na sa Japan at part na ng isang girl group doon ay umuwi ng ‘Pinas para mag-guest kahapon sa “Sunday PinaSaya” at dumalo sa premiere.

Halatang tipid na tipid ang APT dito sa “Banal” so gudlak na lang sa resulta nito sa takilya.
***

Teejay nakipag- vidjakol sa kapwa lalaki?

Nag-start na ang shooting ng barkada movie na “G! LU (Go! La Union)” sa San Juan, La Union.

May parada ng pandesal ang mga bida nitong sina Kiko Estrada, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, David Licauco, Enzo Pineda at Teejay Marquez.

Sanay maghubad at magpakita ng hunky bo-dies nila sa social media ang anim na guys, kaya expected nang laging nakalantad ang abs nila sa pelikula.

Hot hunks ng Kapuso network sina Kiko, Ruru, Derrick at David.

Si Enzo ay lumipat na sa ABS habang si Teejay ay may sa-riling career sa Indonesia.

Si Teejay ‘yung medyo off sa grupo dahil noon pa may mga isyu sa kanya na pinagdududahan ang kanyang pagkalalaki.

Just recently ay may lumabas na pic sa isang gay blogsite na kesyo nakiki-pag-videocall (o vid-jakol) umano si Teejay sa kapuwa niya lalaki. Kalerky!
Totoo kaya ‘yon?!

Alaga ni Arnold Vegafria sina Kiko, David, Enzo at Teejay. Ang ALV Films ni Arnold ang producer ng nasabing pelikula with Benchingko Films at Rein Entertainment.

Kasama sa female cast nito sina Katarina Rodriguez, Michelle Dee, Chanel Morales, Sophia Señoron at Kimi Mugford.