Wholesome ang image na pino-project ng isang sikat na aktres. Nu’ng kanyang kabataan kasi at hanggang ngayon ay hindi napapabalita na gumigimik siya. Walang tsismis na umiimom at naninigarilyo. Sweet din ang image niya noon, kaya di mo talaga iisipin na may bisyo siya.
Hindi lang siya marunong manigarilyo kundi chain smoker siya. Kami mismo ang naka-witness kung paano siya maya’t maya manigarilyo. Ito ay nu’ng makita namin siyang nagda-dub ng mga eksena niya sa isang pelikulang ginawa niya noon.
Gulat kami. Akala nga namin ay talagang wala siyang bisyo, ‘yun pala ay meron. Marunong lang talaga siyang magtago. Hindi siya naninigarilyo sa harap ng maraming tao.
Sino si beteranang aktres. Marami na siyang natanggap na acting awards.