Sikat na aktres salbahe sa mga fan

Sikat na aktres salbahe sa mga fan

May pagkamaldita rin pala ang isang sikat na aktres na visible sa mga teleserye sa telebisyon.

Kabaligtaran pala ang imahen niya sa publiko na mabait. Pangit ang ugali niya. Kabilang din siya sa mga artistang naiirita kapag may mga nagpapa-picture na mga fan.

Ang nakakaloka pa sa aktres na ito ay may side comment pa kapag may mga lumalapit at nagpapa-picture. Ayaw na ayaw niya at sinasabi sa PA na kasama ay ilayo na agad siya sa mga tao. Sinasabi rin niya na hindi siya komportable sa amoy ng mga ito.

Sabagay, hindi lang daw siya maldita sa mga fan, pati sa mga alalay niya. Kapag may hinahanap daw siyang isang bagay at hindi mahanap ay katakot-takot na mura ang inaabot ng mga alalay niya. Daig pa raw niya ang leon sa bagsik ng galit niya. (Rodel Fernando)