Sikat na diva, bait-baitan!

BIGLAAN nang bumulaga si ate sa singing contest. Nagulantang ang mga mamamayang Pinoy sa husay niya.

Parang halimaw siya sa stage. Natutulala ang audience dahil ma­ning-mani niyang bumirit ng ma­taas na kanta.

Ganu’n siya nang una nating nakilala, kaya kulang na lang eh mag-tug of war ang tatlong malaking recording company para makuha ang serbisyo niya.

Inilabas agad ang una niyang album na naglalaman ng mga bagong komposisyon ng magagaling na composer ng OPM (Original Pilipino Music).

Halos lahat ng kanta sa kanyang album, nag-click.
Mabilis na naging certified gold… Hindi kataka-taka na later on eh nag-platinum.

Naging regular si ate sa isang musical variety show. Mataas ang ratings!

Nadagdagan ang su-werte niya. Raket dito, raket doon, raket here, there and everywhere!

Pati ibang mga bansa, kinalampag niya ng kanyang galing. Dumami ang datung ni ate. Nakabili siya ng house & lot, kotse at lahat-lahat na.

Isang lalaking producer ang hanggang ngayon ay banas na banas sa kanya.
Kapag naririnig o napapanood ni produ si singer, kumukulo agad- agad dugo niya.

Nag-produce si produ ng concert ni ate sa Quezon City. Ibinigay ni produ lahat ng gusto ni singer — mula sa director at musical a­rranger hanggang back-up singers at glam team,

Basta, lahat-lahat. Nakialam pa ang jowa ni singer kaya nadagdagan ang stress ni kuya produ.

Doon natanto ni produ ang tunay na ugali ni singer na bait-baitan lang pala.

Noong magpipirmahan na ng kontrata, sabi ni singer eh sa bahay niya na lang sila mag-usap at dapat dala na ang down payment.

This is the moment…

Nag-ring my bell ng door si produ. May boses na nagtanong kung sino siya. Katu (as in katulong).

Say ni kuya, siya si produ. Wait lang daw.
Then, chika ni katu, ano ang name ni produ? Say ni produ ang name niya.

Maya-maya, chika ulit si housemaid. Ano ang kailangan ni produ?
Maski, nasa kuwarto si ate at kinakarat yata ng jowa.

Say ni produ, kung ayaw lumabas ni diva-diva-han, bahala siya at kanselahin na ‘yung concert na one week na, wah pa bentang tiket.

Karma!

Naunsyami ang career ni ate diva. Paminsan-minsan na lang siyang napapanood sa TV.
Sa concert scene, matagal na siyang nagpapahinga.