Nakakalungkot naman ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang sikat na female personality. Patung-patong na pala kasi ang kanyang mga sama ng loob kaya may mga pagkakataong bumibigay na siya.

Pakiramdam ng sikat na babaeng personalidad ay masyado na siyang naaapi, wala nang nakauunawa sa kanya, dahil maging ang kanyang mga mahal sa buhay ay hindi siya naiintindihan.

Ang natatanim tuloy sa isip niya ay kalaban niya ang buong mundo, wala siyang kakampi sa laban, dahil mismong mga kapa­milya niya ang nagtutulung-tulong na kalabanin siya.

Kuwento ng nagbigay sa amin ng nakalulungkot na istorya, “Alam n’yo ba na kapag nasusulat nang hindi maganda ang mommy niya, e, siya ang inaaway ng mga kapatid niya?

“E, wala naman siyang kasalanan sa mga nangyayari, hindi niya naman hawak ang utak ng mga reporters, kaya bakit siya ang dapat sisihin du’n ng mga kapatid niya?

“Hindi nga marunong magsalita ang taong ‘yun, hindi siya nagrereklamo, walang kahit anong kuwentong nanggagaling sa kanya. Pero bakit siya ang kaila­ngang sisihin, samantalang siya na nga itong patay-katawan sa katatrabaho?

“Dapat nga, e, intindihin nila ang kapatid nila, huwag nilang inaaway, para hindi niya maramdaman na mag-isa lang siyang nakikipaglaban sa buhay.

“At take note, ang mga taong nang-aaway sa kanya, e, mismong mga kadugo pa niya! At siya ang nagpapaaral at sumusuporta sa mga ‘yun!” madiing kuwento ng aming kausap.

Kaya naman pala nagi­ging sobrang emosyonal ang sikat na female personality, kaya naman pala sa kabila ng kanyang kasikatan ay parang hindi pa rin siya maligaya, kaya naman pala!

Ynez November pa naniningil kay Kathy

Pagkatapos ng mga naging pahayag ng kababayan nating negosyanteng naninirahan sa Brunei na si Kathy Dupaya ay ibinibigay naman namin ngayon ang panig ng kanyang inirereklamong si Ynez Veneracion.

Sa pinag-isang salita ay inilalarawan ng aktres ang businesswoman na sinunga­ling. Mas marami raw sa mga sinabi nito ang hindi totoo, binaligtad lang, siya raw ang dapat maghabol kay Kathy Dupaya dahil ito ang may pagkakatuang sa kanya.

“Matagal na po akong nagtitimpi lang. Nu’n ko pa dapat ipinagmakaingay ang mga ginagawa niyang pangako na palagi namang napapako, pero pinagbigyan ko pa siya ng pagkakataong tumupad sa mga pangako niya.

“Alam ni Kathy ang totoo, November pa lang last year, e, kinukuha ko na sa kanya ang pera ko, pero puro pa­ngako lang siya! Ang nakakainis pa, e, sasabihin niya sa akin na naka-deposit na ang pera ko, pero kapag nag-check naman ako sa bank, wala!

“Sino naman ang hindi maiinis sa kanya? Pero des­pite that, nanahimik lang ako, hindi ko siya sinisiraan, kahit pa punumpuno na ako!” pahayag ni Ynez.

Ang salita ni Kathy Dupaya ay 260 thousand na lang ang utang niya kay Ynez, maliit na halaga na lang kung tutuusin, kumpara sa kinita ng aktres sa isinosyong puhunan sa kanya sa lending business sa Dubai.

Para kay Ynez ay hindi usapin ang halaga ng pagkakautang, ang importante ay ang pagtupad sa pangakong magbabayad, lalo na’t hindi niya naman pinulot lang sa kung saan-saan ang halagang 260 thousand pesos.

“Mahirap kausap si Kathy, kung anu-anong dahilan ang ibinibigay niya, saka huwag niyang nila-lang-lang ang halagang 260 thousand! Pinaghirapan ko ang pe­rang isinosyo ko sa kanya, maraming gabi ng pagpupuyat ang ipinuhunan ko du’n, kumita lang ako!

“Dahil siya ang naghamon, siya ang unang nagsalita, magge-guest din ako sa radio program n’yo para linisin ang name ko! Dadal­hin ko ang lahat ng mga ebidensiya, lahat-lahat, para matapos na ito!” madiing sabi ni Ynez Veneracion.