Sikat na loveteam, BAGSAK PRESYO sa TV commercials

Bagsak-Presyo

NAPANSIN ng isang friend namin na dumami ang TV commercials at product endorsements ng isang sikat na loveteam.

Ang dating nito sa friend namin ay naging mas in demand na celebrity endorsers ang magka-loveteam.

Medyo nagulat ang friend namin nang malaman niya na kaya ganu’n ay dahil nagbaba ng presyo ang sikat na loveteam.

Alam ng mga taga-ahensiya ang istilo ng management ng sikat na loveteam, na binabaan nito ang budget ng dalawa para mas maraming endorsements at magmukhang in demand ang mga ito.

Ang hindi alam ng fans ay malaki ang nabawas sa TF ng magka-loveteam.

So, ‘pag ikinumpara mo ito sa natatanggap ng isa pang sikat na loveteam na mas in demand sa adverti­sers ay mas mababa ang bayad sa naunang loveteam.

‘Yung pangala­wang loveteam, bukod sa kabi-kabila ang TVC’s at endorsements ay mala­ki ang bayad, na malayo sa tinatanggap ng unang loveteam ng nag-slash ng kanilang budget.

Sa ordinaryong fans ay tipong hot and sought-after ang dating ng sikat na loveteam kaya mabenta ang mga ito sa mga commercial.

Hindi nila alam na malaking bahagi nito ay imaging at marketing strategy.

Kapag ikinumpara mo ang tinatanggap ng mga ito sa budget ng ikalawang loveteam ay doon mo makikita ang mala­king pagkakaiba.

Mataas magpresyo ang ikalawang loveteam at hindi sila nagpapabawas ng TF, pero kinakagat pa rin sila ng mga ahensiya dahil gusto sila at epektib silang endorsers.

Kaya may mga pagkakataon na hindi basehan ang paramihan ng commercials.

Marami nga kung bagsak-presyo naman, daig pa ‘yon ng hindi karamihan pero mas malaki ang bayad.