Sikat na loveteam nag-isnaban

Sa harap lang pala ng kamera okey at nagpapansinan ang isang loveteam. Pero off cam ay dedma sila sa isa’t isa. Sa photo shoot nga nila kamakailan para sa isang pelikulang ginawa nila ay para silang hindi magkakilala, as in hindi sila nag-uusap. Parang hindi nag-i-exist ang bawat isa sa kanila.

May kinalaman ang dedmahan nila sa nangyari sa kanilang relasyon. Hindi maganda ang paghihiwalay nila. Sa nga­yon, si girl ay may bago nang karelasyon kasamahan nila sa iisang management pero tuwing tinatanong siya tungkol sa bago niyang boyfriend ay todo deny siya. Hindi siya puwedeng umamin para proteksyunan ang loveteam nila ng kanyang ex. Si boy naman ay wala pang nababalitang bagong girlfriend.