Sikat na young actor, dinobolan ng bikini model

Nagulat ang baguhang bikini male model nang napanood niya sa TV ang commercial ng isang sikat at ­guwapong young actor. Ine-endorse ng sikat na young actor ang isang uri ng pagkain.

May eksena kasi sa commercial na iyun na ipinakita ang ilang bahagi ng katawan. Mula sa legs hanggang sa dibdib nito na ipina­pakita ang katakam-takam na abs.

Kilalang-kilala ni bikini model ang katawan na nakita niya sa commercial dahil kanya iyun.

Naalala niya, pina-shoot siya ng manager niya sa isang advertising agency na kinunan ang sexy niyang katawan.

Hindi kasi niya naintindihang body double lang siya sa commercial na iyun.

Nagtataka siya kung bakit ginamit pa ang katawan niya para sa commercial ng ­naturang young actor dahil ang buong akala niya eh maganda ang katawan nito.

Iyun pala, chicken legs si sikat at guwapong actor at hindi magandang tingnan.
Baka makasira pa ito sa produktong ine-­endorse niya.

Binayaran si bikini male model ng P25,000 pero P17,500 lang ang napunta sa kanya.
Maaaring sa agent ­napunta ang iba at ­baka pati taxes. Binigyan pa niya ng P5,000 ang ma­nager kaya 12,500 na lang ang natira sa kanya.

Okay lang sa kanya kung magkano na lang ang napunta sa kanya.

At least, honored ­siya na ginamit ang ­katawan niya para sa isang ­sikat at guwapong young ­actor.

***

EXCITED si Alden ­Richards na nag-taping sa Encantadia noong Lunes bilang Lakan, na mula sa mundo ng mga Mulawin.

Naalala pa niya noong 2005, kasama niya ang pamilya niyang pinapanood ang naturang telefantasya.

Pinapantasya lang niya noon na mapasama siya sa Encantadia, at pati sa Mulawin.
Ngayon ay kasama na siya kahit guesting lang. At least, nakagawa na ­siya ng fantasy.

Matagal na siyang hindi nagti-taping ng isang series kaya masaya siya nang magsimula siyang mag-taping sa Encantadia.

“Ibang experience rin ‘yung napasama ako sa isang telefantasya,” ­pakli ni Alden.

Inaalam pa namin kung kailan siyang magsimulang umere pero mauuna munang lalabas si Andre Paras at si The Mountain ng Game of Thrones na si Conan Stevens.

May pagka-comedy ang role ni Andre na bagay na bagay sa ­kanya. Bago matapos ang linggong ito ay mapapanood na sila ni Conan sa ­Encantadia.

Samantala, ilang araw pang hindi makakasama ni Alden si Maine Mendoza na nasa Amerika pa.

Sa Sabado ay babalik na raw si Maine sa Eat Bulaga at excited si ­Alden dahil nami-miss din niya ang ka-loveteam niya sa kalyeserye.

“Parang nakasanayan ko na po kasi na araw-araw ko siya nakakasama, araw-araw naki­kita,” saad ni Alden.

***

Parang type ni Max Collins na panoorin ang pelikulang Camp Sawi dahil tingin niya, sobrang makaka-relate siya.

“Parang may hugot talaga ako gaya nu’ng sa mga movie na Camp Sawi. Naka-relate ako du’n dati na naloko ka,” nakangiting pahayag ni Max nang nakatsika­han namin sa presscon ng bagong drama ­series ­niyang Someone To Watch Over Me.

“Pero ngayon, okay na okay na.”

Ang dami niyang na­tutunan sa nakaraang relasyon, pero ngayon ay ibang-iba na sa ­current boyfriend niyang si Pancho Magno.

“Dapat kasi, ­maayos ang lalaki, eh. ‘Pag ‘di maayos ang lalaki, ­hindi magiging maayos ang relationship,” dagdag na pahayag ni Max.

“Nagkamali ako sa mga decisions ko in the past, pero at least nga­yon, mas matalino na ako. Maganda na rin ang decision ko,” sabi pa niya.

Christ-centered daw ang relasyon nila at sa pagiging Christian, merong kahirapan daw sa magkasintahan, pero naga­gawa naman daw nila.

“Nahihirapan din kami. Ayoko naman ma­ging hypocrite pero mahirap talaga. Mahirap sumunod pero worth it naman,” pahayag ni Max.

***

Naggagandahang katawan ng mga Kapuso sexy babes at masarap na abs ng Kapuso hunk actors ang bentang-benta sa isang naughty epi­sode ng A1 Ko Sa’yo.

Tsika sa amin ni ­Ervic Vijandre, kaya ingat na ingat siya sa diet niya at regular ang workout para ma-maintain ang magandang katawan.

Okay lang na magamit ang kaseksihan nila dahil iyun ang concept ng naturang sitcom.

Sabi nga ni Benjamin Alves, pakontian ng pagkain sa set at pati na rin sa outfit dahil pa-sexy na sila nang pa-sexy.

Abangan ma­mayang gabi pagkatapos ng Juan Happy Love ­Story ang masaya at malanding episode ng A1 Ko Sa’yo.