Sikreto ng pagnguya ng chewing gum ibinuking ni Digong

Isiniwalat ni Pa­ngulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na kaya mahilig siyang ngu­muya ng chewing gum ay dahil nakaka­bawas ito sa sakit mula sa kanyang spinal­ condition.

Inamin ito ni Pa­ngulong Duterte sa isang talumpati noong Huwebes, nang magkuwento ito kung ano ang maaaring hingin niyang kapalit sa kanyang serbisyo publiko.

“Just pay me chewing­ gum because it ­eases up the pain when I’m chewing,” wika ng Pangulo.

Hindi naman ipinaliwanag ni Duterte ang sinasabi niyang ‘spinal condition’.

Noong nakaraang taon, naunsyami ang pakikipagharap ni Duterte kay Emperor Akihito sa Japan matapos makita ng mga opisyales nila ang vi­deo hinggil sa pag­nguya ng chewing gum ng Pangulo habang kausap si Chinese President Xi Jingping.

Noong 2016 ay i­namin ng Pangulo na gumagamit siya ng fentanyl upang maibsan ang sakit dulot ng tinamo niyang spinal injury sa aksidente sa pagmomotorsiklo sa Davao City, may ilang taon na ang nakaraan.

Ang fentanyl, na ginagamit sa cancer patient at iba pang may malalang sakit, ay ginagamit din ng mga adik sa droga sa Estados Unidos dahil sa lakas ng tama nito kaysa sa heroine at cocaine.