Sikyo, babaeng angkas sa motor inambus sa Port Area

Patay ang isang la-laki at isang babae na diumano’y magkarelasyon makaraang pagbabarilin sa Port Area, Maynila dakong alas-8:20 Martes nang gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnel Puno, 41-anyos, security guard, taga-Baseco Compound, Port Area, at Shirley Ebora, vegetable dealer at nakatira sa Binondo, Maynila.

Nalaman na angkas si Ebora sa motorsiklo na minamaneho ni Puno at habang binabaybay nila ang northbound lane ng Port Area ay tinamba-ngan sila ng dalawang lalaki pagdating sa panulukan ng Muelle del Rio at 2nd Street.

Namatay agad ang mga biktima sa pinangyarihan ng krimen dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Batay sa Homicide Section, posibleng personal na galit ang motibo ng pamamaril dahil hindi naman pinagnakawan ang mga biktima.

Narekober sa crime scene ang isang bag na dala ng mga biktima na naglalaman ng mga personal na bagay at perang nagkakahalaga ng mahigit P30,000.

Nalaman din na sina Puno at Ebora ay parehong may asawa pero lumalabas umano sa inis-yal na imbestigasyon na mayroong relasyon ang mga ito.
Sinisilip ng Homicide Section ang anggulong love triangle sa naganap na pamamaslang sa mga biktima. (Juliet de Loza-Cudia)