Laman pa rin ng pahayagan si weightlifter Hidilyn Diaz dahil sa karangalang ibinigay nito sa Pilipinas matapos mag-uwi ng silver medal sa 2016 Rio Olympics noong nakaraang buwan.

Dumami ang nakakalilala kay 25-year-old Airwoman First Class Diaz.

Pagkakataon na ng kanyang mga fans na ma­laman ang kuwento ng kanyang buhay sa television drama bukas ng gabi.

Gaganap bilang Filipina Olympic silver me­dalist ay si Jane Oineza sa ‘Maalaala Mo Kaya’ ng ABS-CBN.

Inanunsyo ang palabas kahapon sa social media.

May dalawang dekada na ang nakararaan, pinalabas din ang istorya ng buhay ni Mansueto ‘Onyok’ Velasco matapos ang kanyang light flyweight silver medal sa 1996 Atlanta Olympics.

Nakopo ni Diaz ang second place sa likuran ng nag-gold na si Hsu Shu Ching ng Chinese Taipei upang kalsuhan ang 20-year medal drought ng Pilipinas sa Olympics.