Hindi pa nakikita ni Commissioner Adam Silver na itutuloy na ang sinuspindeng NBA season ngayong April o sa unang linggo ng May.
Dahil sa coronavirus, halos imposible pa sa kasalukuyan na desisyunan kung kailan itutuloy ang season.
March 12 sinuspinde ang liga pagkatapos mag-positibo sa virus si Utah Jazz center Rudy Gobert.
“Essentially, what I’ve told my folks over the last week is that we just should just accept that, at least for the month of April, we won’t be in a position to make any decisions,” ani Silver sa Twitter account ng NBA. “And I don’t think that necessarily means on May 1 we will be.”
Tugon na rin ito ng NBA boss sa panawagan ni President Donald Trump na magbalik na ang mga professional sports league tapos masapol ng nakamamatay na karamdaman.
NBA ang unang major US pro league na nagsara dahil sa COVID-19 threat.
Dapat ay April 15 matatapos ang regular season, April 18 ang siklab ng playoffs.
Gusto rin ng NBA na ituloy ang season, pero hindi masabi kung kailan.
Isa pa sa dedesisyunan ay kung tuloy mula sa tinigil na regular season, o kung diretso na sa playoffs. Isa pa kung paano ipapalabas sa television ang mga laro sakaling sa NBA arenas o practice facilities na walang tao maglalaro.
Ikinukonsidera rin ng liga kung puwedeng sa iisang site na lang lalaruin ang natitira pang games. (VE)