Simbahan inararo ng truck

Anim na katao ang nasawi habang 20 iba pa ang sugatan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang isang truck hanggang sa sumalĀ­pok ito sa isang simbahan sa Barangay Limonan, San Miguel, Zamboanga del Sur noong Sabado ng hapon.

Batay sa report, galing sa isang kasalan ang may 50 katao na sakay ng truck at papauwi na sana sa bayan ng Tabina nang maganap ang aksidente.

Posibleng dahil na rin umano sa malakas na ulan at madulas na kalsada kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan na mga tao sa loob ng simbahan.
Nabatid na madalas magkaroon ng aksidente sa nasabing lugar.

Patuloy pa ang pag-iimbestiga ng pulisya sa nangyaring sakuna. (Vick Aquino)