Nagpahatid ng pagbati ang isang lider ng Simbahang Katolika sa lahat ng mga Muslim sa pagtatapos kahapon ng Ramadan na magdulot nawa umano ng pagkakapatiran sa bawat isa ang kapis-tahan ng Eid’l Fitr.

Kumpiyansa rin ang Simbahang Katolika na ang isang buwang pag-aayuno, pagdarasal at pagkakawang-gawa sa Ramadan ay maging daan ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at iba pang denominasyon hindi lamang sa Pi-lipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Sinabi ni n Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations, na tulad ng panala-ngin ni Pope Francis ay magbunga nawa ang pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan ng pang-kabuuang pagkakapatiran.

Ipinagdasal din ng Arsobispo ang pag-usad ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao lalo na sa mga pagbabagong hatid ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.(BARMM).

Aniya pa, kaisa ng mga kapatid na Muslim ang mga Katoliko sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagninilay at panahon ng pananalangin ng mga Muslim.

Naunang nagpahayag ang Kanyang Kabanalan Francisco na nawa’ y magbunga ng pangkabuuang pagkakapatiran ang paggunita ng Banal na Buwan ng Ramadan o Islamic Holy Month ng mga Muslim.

Sa rekord, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas na ang karamihan ay mga Katoliko. (Mia Billones)