74th NBA 2019-2020 Team Preview Philadelphia 76ers

Key Players: Ben Simmons, Joel Embiid, Tobias Harris, Zhaire Smith, Mike Scott

Roster: Jonah Bolden, Furkan Korkmaz, Shake Milton, Haywood Highsmith

Key additions: Matisse Thybulle (20th overall pick in 2019 Draft), Maryol Shayok (54th overall pick in 2019 Draft), Al Hordford, Trey Burke, James Ennis III, Christ Koumadje, Isaiah Miles, Raul Neto, Kyle O’Quinn, Norvale Pelle, Josh Richardson, Mike Scott

Rank: 3rd

Last year’s record: 51-31

Coach: Brett Brown

Inaasahang magdedeliber muli ngayong 74th National Basketball Association 2019-2020 ang Philadelphia 76ers para makabalik sa playoffs.

Rumagasa ang 76ers sa nakaraang playoffs tapos mapataob ang Brooklyn Nets (4-1).

Naging mainit naman ang tapatan ng 76ers kontra Toronto Raptors sa next round ng playoffs, nakuha ang panalo Games 2, 3, at 6 ngunit ‘di na nakaabante sa 4-3 loss.

Ngayon, bagamat nalagasan ng ilang superstars, aakayin muli nina Ben Simmons at Joel Embiid ang Sixers.

Nag-average si Simmons ng 16.9 points, 8.8 rebounds, at 7.7 assists samantalang si Embiid ay naka-27. 5 ppg, 13.6 rpg at 3.7 apg sa last season.

Bukod sa tandem nina Simmons at Embiid, asahan ding malaki ang maitutlong nina Matisse Thybulle (20th overall pick in 2019 Draft), Maryol Shayok (54th overall pick in 2019 Draft), Al Hordford, Josh Richardson at iba sa Philadelphia.

Mula sa dating mga koponan, may average si Horford na 13.6 points per game, 6.7 rebounds, 4.2 assists samantalang Richardson ay may 16.6 ppg, 3.6 rpg, at 4.1 apg.

Asahanghahagupit ang Philadelphia 76ers ngayong season na nagbukas na nitong Martes (Miyerkoles sa ‘Pinas) upang makabalik sa playoffs at magkampeon. (Janiel Abby Toralba)