Simmons mas gusto ang Olympics kaysa Fiba World

Umatras si Ben Simmons sa call-up ng Australian national team para makasama sa 2019 FIBA World Cup, pero umaasa pa ring makakalaro para sa sariling bansa sa 2020 Tokyo Olympics.

Nagpasabi na rin ang NBA star na ‘di siya makakasama sa exhibition matches ng Boomers kontra Canada at Team USA sa susunod na buwan bago ang World Cup sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Iho-host ng Boomers ang Canadians sa Perth sa Aug. 16 at 17, ang Americans naman sa Melbourne sa Aug. 22 at 24.

Puspusan paghahandaan ni Simmons sa 74th NBA 2019-2020 season sa Oktubre. Kamakailan lang ay muli siyang pumirma ng five-year, $170 million contract sa Philadelphia 76ers.

“After talking with coach Andrej (Lemanis), we both agreed it was better for me to not participate in this year’s 2019 World Cup and exhibition games,” ani Simmons.

‘Committed’ aaniya siyang sumabak sa 2020 Tokyo Games. (VE)