Simpleng kasuotan sa Senado

Kapansin-pansin ang kasimplehan ng suot ng mga senadora sa pagdalo kahapon sa pagbubukas ng ­second regular session ng Kongreso.

Suot ni Binay ang kanyang sariling modernong bersiyon ng barong na tinernuhan ng black palazzo tuxedo pants habang naka-side-parted bob naman ang ayos ng kanyang buhok.

Simple pero elegante naman si Senator Grace Poe sa kanyang white terno na may black at white intricate details sa may outline ng pang-itaas nito.

Kapansin-pansin din ang glamorosang dating ng asawa ni Senador Sonny Angara na si Tootsy, na suot ang kanyang off-shoulder white fringed dress.

Ngunit pinakabongga pa rin pagdating sa fashion, ang aktres at asawa ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na si Heart Evangelista.

Suot ni Evangelista ang white modern Filipiniana na sinasabing dinesenyo ni Jo Rubio na tinernuhan naman ng Christian Louboutin peep-toe heels.