Isang simpleng pagtitipon ang ginawa ng pamilya Aquino para gunitain ang ika-walong anibersaryo ng pagkamatay ni dating Pangulong Corazon C. Aquino nitong Martes.
Nagdaos ng misa ang pamilya Aquino sa puntod ni Cory Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City kung saan nakalibing din si dating Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.
Dumalo sa misa si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, Viel at actress/TV host Kris Aquino.
Nagpasalamat naman si Ballsy sa mga supporter at kaibigan ng pamilya na dumalo sa misa sa kabila ng matinding trapik patungo sa nasabing sementeryo.
The late president, Cory C. Aquino, will never be forgotten…