Naka-focus sa nag-iisang winner-take-all event ang racing aficionados ngayong hapon sa pagsisimula ng MetroTurf Christmas Super Weekend sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

P1.8-million ang carry-over sa nag-iisang WTA event na paglalabanan ngayong hapon sa loob ng 10 exciting races na binuo ng Metro Manila Turf Club.

Maraming racing fans ang nagsasabing balikatan ang halos lahat ng karerang paglalabanan ngayong hapon kaya halos lahat ng nakadeklara kabayo ay may malaking tsansang manalo.

Siguradong marami ang mamumuhunan sa WTA na tiyak na kakamig ng husto dahil sa dami ng mga kabayong nagpalista sa super weekend sa MetroTurf.

Hindi rin inaalis ng maraming eksperto na puwedeng magkaroon uli ng carry-over kapag napahi­rapan ang pagpili ng mga racing fans at magkaka­dehaduhan na naman.

Sa Races 3-9 ang WTA kaya maraming oras ang puwedeng gawing pag-aaral ng mga kursunada ­dahil alas-11:00 pa lang ay bukas na ang mga OTBs pati ang MetroTurf Fastbet kaya puwede nang tumanggap ng mga taya.