SINAGAD NG FOTON!

Laro sa Miyerkules (FilOil Flying V Center)
5:00 p.m. — F2 Logistics vs. Foton

Dineliber ng Foton ang isa sa pinaka-astig na laro ngayong season nang kumpletuhin ang 18-25, 25-17, 25-22, 25-18 panalo laban sa F2 Logis­tics sa Game 2 ng Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three finals sa FilOil Flying V Center sa San Juan kahapon.

Sumandal ang Tornadoes sa solidong blocking at ‘di mabutasang receptions para isagad sa decide­r ang championship series ng torneo na suportado ng KLab Cyscoprions, Mueller, Asics at Mikasa.

“We’ve been working hard on that first ball du­ring our previous training,” lahad ni Tornadoes coach Vilet Ponce-de Leon. “We know that we can’t set up our attack if we can’t receive properly. The players worked hard to improve it. Fortunately, it paid off and we’re now going to Game 3.”

Sa Miyerkules ang winner-take-all sa parehong veue.

Binalikat nina Jaja Santiago at Cherry Rondina ang opensa ng Tornadoes, ‘di rin nagpatibag sina Maika Ortiz at Patty Orendain.

Naglista si Santiago ng 19 points na kinapalooban ng 14 kills, three blocks at two aces, tumapos ng 15 si Rondina — 14 dito mula sa attacks. May pinagsamang 23 hits sina Ortiz at Orendain.

“We didn’t play volleyball in Game 1. We had too many errors,” dagdag ni Ponce-de Leon. “That’s why I told the team to just simply execute the game plan in Game 2 and we will not go wrong.”

Kinapos ang 16 points ni Ara Galang mula sa 11 kills at five blocks para sa Cargo Movers, umayuda ng 11 hits si Kim Dy.