
Mga laro bukas: (Ynares Center, Antipolo)
4:15 p.m. — Blackwater vs. Rain or Shine
7:00 p.m. — TNT Katropa vs. Alaska
Wala nang pulikat sa nakapag-adjust na sa second game niya sa PBA na si Justin Brownlee, tumagay ng 24 points at 15 rebounds at pinaliguan ng Ginebra ang Asi Taulava-less NLEX 85-72 sa tampok na laro sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Nagdagdag si Japeth Aguilar ng 14 points, may tig-10 pa sina Joe Devance at LA Tenorio sa Gin Kings na umangat sa 2-1 sa Oppo Governor’s Cup. Sa 109-100 loss sa Alaska noong Linggo, inabot ng cramps ang debutanteng si Brownlee na pumalit kay Paul Harris.
Diktado ng crowd darlings ang game tampok ang 14-point lead sa fourth quarter, 78-64, tapos ng 57-all deadlock sa bukanang-bukana ng yugto.
“We took advantage of Asi’s absence. That was something fortunate for us but no one’s feeling sorry for anybody, nobody felt sorry for us when we lost (injured) Greg Slaughter and Harris,” komento ni Gin Kings coach Tim Cone.
“We’ve been lucky to get two great imports. We did a good job defending on (Henry) Walker, we got fear of him going to this game. We’re not running the pure triangle anymore,” hirit niya sa pagtabla ng kampo sa San Miguel sa fourth.
Nagbabad lang sa TV sa kanyang bahay si Taulava dahil sa league sanction sa pananampal kay San Miguel forward David Semerad noong Biyernes. May one game ban at P32,500 fine ang Ageless Warrior na sinapubliko kahapon ni commissioner Chito Narvasa matapos ibaba ang hatol noong Lunes.
Nag-drive ng double-double jobs sina Walker (18 points at 13 rebounds) at Sean Anthony (14 at 10) para sa Road Warriors na sumalampak sa 1-2 kabuhol sa ninth ang idle Star, ang team na napabalitang binebenta na sa SM o Unilever.