Sinas kakasuhan ng PNP

Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ngayong araw (Mayo 15) si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas at iba pang opisyal na dumalo sa kontrobersyal na birthday party noong Mayo 8 sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

“Per my latest conversation with Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Archie Gamboa, a criminal case is now being readied to be filed tomorrow against NCRPO Chief Debold Sinas, along with other senior police officials who attended the gathering,” ito ang statement na inilabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon.

Kinakailangan kasi na kumuha ng clearance sa Office of the President (OP) ang PNP bago ang pagsasampa ng kasong administratibo sa isang presidential appointee, sabi ni Roque.

“Maj. Gen. Sinas is a third level officer and a presidential appointee; hence, a clearance from the OP is needed for the filing of administrative charges of the PNP. The same applies to the senior police officials who are also presidential appointees,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Samantala kinumpirma din ni PNP Spokeperson Police Brig. General Bernard Banac ang pagsasampa ng kaso kay Sinas ngayong araw subalit wala pa umano siyang detalye hinggil dito.

“Filling of charge will be done by the Internal Affairs Service (IAS), which is now finalizing its investigation, don’t have the details yet,” pahayag ni Banac sa tanong ng mga reporter ng PNP.

Matatandaang nagsimula ang kontrobersya sa birthday ni Sinas noong Mayo 8 nang puntahan siya ng iba pang opisyal para sa isang `Manañita’ kung saan may mga naglabasang litrato hinggil sa paglabag umano sa mga quarantine protocol katulad ng walang social distancing at hindi umano pagsusuot ng face mask .

Humingi na ng sorry sa publiko si Sinas subalit sinabi nito ang ibang litrato na inilabas sa media ay hindi umano naganap ng kanyang kaarawan at ito ay nangyari noong nakaraang Nobyembre pa at nagkataong parehong damit lang ang kanyang suot.(Edwin Balasa)