Sa panig naman ni Assistant State Pro­secutor Peter Ong, ngayon lamang nangyari na may taong nadakip ang mga awtoridad na sangkot sa arms smuggling dahil palaging mga armas lamang ang nakukumpiska sa tuwing may magtatangkang magpasok ng kontrabando sa bansa habang nakakaligtas ang mga salarin.

Minsan na raw may nahuling Pinoy na sangkot sa arms smuggling subalit hindi ito nangyari sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

Idinugtong pa ng tagausig na mas malawak ngayon ang probisyong nakasaad sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kung saan kabilang sa mga mapapatawan ng mabigat na kaparusahan ang arms smuggling.

Sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pagtugis ng batas, pansamantala lang ‘yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo, walang krimen na hindi pinagbabayaran.

Isang pamilya sa likod ng Batasan Hills masaker (PART 1)

Hindi na marahil maaalis sa isipan ng pamilya Paez ng Quezon City ang trahedyang sinapit ng kanilang padre-de-pamilya matapos pagbabarilin ng anim na katao, kabilang na ang limang miyembro ng isang pamilya, halos pitong taon na ang nakararaan.

Bukod kay Liberato Paez, apat pa niyang mga kaibigan at kapitbahay ang nadamay sa pamamaslang habang isa ang malubhang nasugatan sa nangyaring insidente na naganap noong Nobyembre 28, gabi ng Lunes ng taong 2011.

Bagama’t malaking dagok kay Jessica Paez, ang maybahay ng napaslang, ang walang awan­g pagpatay sa kanyang asawa at sa apat na iba pa, kinakailangan niyang maging matatag upang harapin ang hamon ng buhay, kabilang na ang pag-asang makakamit ang hustisya at mapaparusahan ang mga may kagagawan ng nangyaring masaker.

Bago nangyari ang pagpatay, tumatayo bilang pangulo ng Masikap Homeowners Association si Liberato sa kanilang lugar sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City batay na rin sa kagustuhan ng mga naninirahan sa lugar. (Sundan bukas)