Matapos ang matagum­pay na pagdalo sa ASEAN Summit sa Laos at pagbi­sita sa Indonesia ni Pangulong Rodrigo Duterte, may isa o dalawang bansa na naman itong nakatakdang bisitahin.

“Mayroon isa o dalawan­g bansa maaaring puntahan ang ating Pangulo ngayon, bago matapos ang buwan. “Maaaring” sasabihin ko, hindi ko sasabihing sigurado na pero it was discussed na isa o dalawang bansa.

Hindi ko lang masabi kung anong bansa iyon,” pahayag ni Presi­dential Communications Office (PCO)Secretary Martin Andanar sa isang panayam sa radyo (DZBB) kahapon nang matanong ang mga nakalinya pang foreign trip ng Pangulo.

“Actually lahat, ini-invite siya. Ini-invite siya ng Singapore, ini-invite siya ng Japan, ini-invite siya ng Vietnam, Thailand — ini-invite siya ng lahat ‘no. Well, I guess, it’s the same also for the other countries na kapag may bilateral meetings, i-invite mo rin sila sa bansa natin,” ayon pa sa PCO Chief.

Pero sa lahat ani Andanar ng nag-imbitang mga lider ang Singapore at Vietnam ang kabilang sa u­nang umimbita kay PDu30.