MATANGKAD siya. Mestiso. Magaling umawit. At minsan ding naging actor.

May kakaibang paraan si kuya para makilala siya ng mga utaw. Unang pasok niya sa showbiz, bonggacious agad. Karay-karay siya ng isang trying hard na beking talent mana­ger.

Naisasama naman siya sa mga movie kahit bit role lang. Pinagtiyagaan niya talaga.
Hanggang nagbunga ang kanilang paghihirap nang napasali siya sa isang singing contest.

Doon nagsimulang magkaroon ng ningning ang kanyang career.
Back to back to back ang kanyang shows here & abroad.

Nagka-movie siya na mahaba ang kanyang role. Bida-bidahan sa teleserye.
Sa pagbabago ng ihip ng hangin, nagbago rin si kuya.

Yumabang!

Dedmahan na sila ng TH na gay manager na nagpaka-Bona sa kanya noong unang panahon.
Nagsiraan ang talent at manager.

Sa paglipas ng panahon, nasadlak si singer-actor sa La Ocean Deep.
Naging Bituing Walang Ningning.

Si manager na nag-aruga noon sa kanya, wah na sa bayang magiliw, perlas ng Silangan.

Nalimot na singer-actor ng mga utaw pero ang kanyang song, knows pa rin ng Philippine area of responsibility.

Nang umeksena siyang muli, may nagbago sa kanyang fez. Pati mga friend niya, DA HU ang tawag sa kanya.

Hindi siya nakilala.
Sa isang party-party, guest singer si kuya. Bigla siyang lumabas sa stage.

Nagtinginan at nagbulungan ang crowd at audience.
“Cinex Films?”

“Simeon?”
“Cynthia?”

“Zinoh ziyah?”

Chika si singer-actor, “Kilala n’yo pa ako…”

“Hindi po!” sey ng madlang people.

Para ma-knows siya, binanatan ni singer­-actor ang knyang hit song….

Big­lang SIGAWAN ang mga utaw.

“Ay! Siya pala ‘yun!”

“Ano ang nangyari?! Bakit nag-iba ang fez niya?” ang tanong ng mga tulirong manonood.

2 Responses