SA isang showbiz umpukan, pinag-usapan ang ­suspected drug users & pushers na under ­surveillance.

Ang sabi’y dapat nasa watchlist ang isang singer-theater actor na kilala sa pagiging lulong.
Calling-calling, PNP Chief Bato!

Sister ni Maine, ADIK

Mula noong isang linggo, may bagong adiksyon ang mga Kapuso.

Nahuhumaling ang televiewers sa bagong Koreanovela series ng GMA 7 na Descendants of the Sun (DOTS) dahil sa nakakakilig at nakakaantig na kuwento nina Lucas at Maxene.

Kahit nga ang kapa­tid ni Maine Mendoza na si Coleen Mendoza, tinamaan na rin ng Big Boss fever.

Ayon sa tweet ng ma­gandang dalaga noong Miyerkules (Agosto 3) ng hapon, mukhang certified DOTS fan si Coleen:

“Gusto ko lang manood ng DOTS all day!!!”

***

ABS-CBN ang mas tinatangkilik ng mas maraming ­kabahayang Pilipino noong ­buwan ng Hulyo sa ­pagta­tala nito ng national ­audience share na 47% kontra 32% ng GMA 7, base sa datos ng Kantar Media.

Kalahati sa total ­Philippine households ang nakatutok sa Primetime Bida ng ABS-CBN matapos itong pumalo sa national audience share na 50%, kumpara sa 30% ng GMA.

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kaya importante ito sa advertisers na nagla­lagay ng pata­lastas para maabot ang mas nakararaming Pili­pino sa buong bansa.

Bukod sa primetime, namayagpag din ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks nationwide noong Hulyo.

Wagi ang ABS-CBN sa morning block (6:00 AM to 12:00 NN) sa audience share na 42% vs GMA na may 33%;

Sa noontime block (12:00 NN to 3:00 PM) kung saan nakatamo ito ng 45% kontra 33% ng GMA;

At sa afternoon block (3:00 PM to 6:00 PM) kung saan pumalo ito sa 47% audience share vs GMA na may 32%.

Nangunguna pa rin sa listahan ng pinakapinapanood na programa ang FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV rating na 43.1%.

Tinalo ng makabuluhan at napapanahong mga kuwentong handog ni Cardo (Coco Martin) sa mga manonood ang kalabang telefantasya na Encantadia (19.9%).

Sinundan ito ng patok na patok sa mga kabataang The Voice Kids (36.9%) at Wansapanataym (34.2%).

Hindi rin nagpahuli ang most loved teleserye sa primetime na gabi-gabing nagpapakilig at nagbabahagi rin ng magagandang aral, ang Dolce Amore, na nakuha ang ikaapat na pwesto sa average national TV ­rating na 33.6%.

***

Inaabangan ang ASAPinoy segment sa ASAP.

Ngayong tapos na ang first batch ng OPM icons na na-feature, sana eh ganu’n pa rin kabigat ang guests kahit sa mga susunod na icons na ipi-feature.

2 Responses

  1. AS USUAL PAUTOT N NMN NG ABIAS CBN YAN, KANTAR YAN, ALAM MO NA, HINDI NMN PWDENG MAS MABABA ANG KANILANG STATION KAYSA SA IBA KUNG SILA ANG MAY HAWAK NITO, WAG NYO KAMING GAWING TANGA UY….YAKKKKKKK